Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 29: Nagturo si Alma Tungkol sa Pananampalataya at Salita ng Diyos


Kabanata 29

Nagturo si Alma Tungkol sa Pananampalataya at Salita ng Diyos

Alma teaching Zoramites

Itinuro ni Alma sa mga Zoramita ang tungkol sa pananampalataya. Sinabi niya na ang mga taong humihiling ng palatandaan bago sila maniwala ay walang pananampalataya.

Alma preaching

Sinabi ni Alma na ang pananampalataya ay ang paniniwala na ang isang bagay ay totoo kahit na hindi ito nakikita.

hand planting seed

Ipinaliwanag niya na lumalaki ang pananampalataya habang ang isang tao ay nagnanais na maniwala at nakikinig sa salita ng Diyos. Ang salita ay natatanim sa puso ng taong ito, at kagaya ng isang binhi ay nagsisimulang tumubo.

couple looking at tree

Habang nadaragdagan ang natututuhan ng isang tao tungkol sa ebanghelyo, umuusbong ang binhi at patuloy na lumalago. Alam ng tao na mabuti ang binhi, at ang kanyang pananampalataya ay higit na lumalakas.

man and wife picking fruit

Sinabi ni Alma na kagaya ng mabuting binhi na nagkakaroon ng mabuting bunga, ang salita ng Diyos ay nagdudulot ng mga biyaya sa mga tao na may pananampalataya.