Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 38: Ang Pagpatay sa Punong Hukom


Kabanata 38

Ang Pagpatay sa Punong Hukom

wicked Nephites talking

Ang masasamang tao ay naging mga hukom ng mga Nephita. Pinarurusahan nila ang mabubuting tao ngunit hindi ang masasamang tao.

Nephi

Nalungkot si Nephi na makita ang napakalaking kasamaan sa mga tao.

road into Zarahemla

Isang araw ay nananalangin siya sa tore sa kanyang halamanan. Ang kanyang halamanan ay nasa tabi ng lansangan patungo sa pamilihan ng Zarahemla.

Nephi praying

Naririnig ng mga taong nagdaraan sa lansangan na nananalangin si Nephi. Isang malaking pulutong ng mga tao ang nagtipon, na nagtataka kung bakit napakalungkot niya.

Nephi talking to people

Nang makita ni Nephi ang mga tao, sinabi niya sa kanila na napakalungkot niya dahil sa kanilang kasamaan. Sinabi niya sa kanila na magsisi.

Nephites listening to Nephi

Binigyang-babala niya sila na kapag hindi sila nagsisi, kukunin ng kanilang mga kaaway ang kanilang mga tahanan at mga lungsod at hindi sila tutulungan ng Panginoon sa kanilang pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway.

Nephi talking

Sinabi ni Nephi na higit na masasama ang mga Nephita kaysa sa mga Lamanita dahil ang mga Nephita ay naturuan na ng mga kautusan ngunit hindi nila sinusunod ang mga ito.

Nephi talking

Sinabi niya na kapag hindi nagsisi ang mga Nephita, sila ay lilipulin.

people angry

Ang ilan sa masasamang mga hukom ay naroroon. Ninais nila na parusahan ng mga tao si Nephi sa pagsasalita laban sa kanila at sa kanilang mga batas.

men arguing

Ang ilan sa mga tao ay sumang-ayon sa masasamang mga hukom. Ang iba ay naniwala kay Nephi; alam nilang isa siyang propeta at nagsasalita ng katotohanan.

Nephi talking

Sinabi ni Nephi sa mga tao na naghimagsik sila laban sa Diyos at hindi magtatagal ay parurusahan sila kapag hindi sila nagsisi.

Nephi pointing

Sinabi ni Nephi sa mga tao na hanapin ang kanilang punong hukom. Siya ay nakahiga sa sarili niyang dugo, na pinatay ng kanyang kapatid na naghahangad sa kanyang hukumang luklukan.

men running

Limang lalaki mula sa pulutong ang tumakbo upang tingnan ang punong hukom. Hindi sila naniniwala na si Nephi ay isang propeta ng Diyos.

chief judge dead

Nang makita nila si Sisoram, ang punong hukom, na nakahiga sa sarili niyang dugo, bumagsak sila sa lupa sa takot. Alam na nila ngayon na si Nephi ay isang propeta.

men pointing

Nakita na ng mga tagapaglingkod ni Sisoram ang punong hukom at nagsitakbo sila upang sabihan ang mga tao. Bumalik sila at natagpuan ang limang lalaki na nakahiga roon.

men angry

Inakala ng mga tao na ang limang lalaki ang pumatay kay Sisoram.

men talking

Itinapon nila ang limang lalaki sa bilangguan at nagpakalat ng pahayag sa buong lungsod na napatay ang punong hukom at ang mga mamamatay-tao ay nasa bilangguan.

men talking

Kinabukasan, pumunta ang mga tao sa kung saan ililibing ang punong hukom. Ang mga hukom na pumunta sa halamanan ni Nephi ay nagtanong kung nasaan ang limang lalaki.

judges talking

Hiniling ng mga hukom na makita ang pinararatangang mga mamamatay-tao.

men in front of judges

Ang nasasakdal na mga mamamatay-tao ay ang limang lalaki na tumakbo mula sa halamanan ni Nephi patungo sa punong hukom.

men in front of chief judge

Sinabi ng limang lalaki na natagpuan nilang nakahiga ang punong hukom sa dugo, kagaya ng sinabi ni Nephi. Inakusahan ng mga hukom si Nephi na nag-utos ng isang tao na patayin si Sisoram.

five men bound

Nalalamang propeta si Nephi, nakipagtalo ang limang lalaki sa mga hukom, ngunit ayaw nilang makinig. Ipinagapos nila si Nephi.

judge talking to Nephi

Inalok ng mga hukom si Nephi ng salapi at ng kanyang buhay kung sasabihin niyang siya ang nagplano sa pagpatay sa punong hukom.

Nephi bound

Sinabi ni Nephi sa mga hukom na magsisi sa kanilang kasamaan. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila na pumunta kay Seantum, ang kapatid ni Sisoram.

judges talking to Seantum

Sinabi ni Nephi sa kanila na tanungin si Seantum kung siya at si Nephi ang nagplano na patayin si Sisoram. Sinabi ni Nephi na si Seantum ay sasagot ng “hindi.”

men grabbing Seantum’s robe

Pagkatapos ay tatanungin ng mga hukom si Seantum kung siya ang pumatay sa kanyang kapatid. Muling magsasabi si Seantum ng “hindi,” ngunit makakakita ang mga hukom ng dugo sa kanyang balabal.

Seantum

Sinabi ni Nephi na si Seantum ay manginginig at mamumutla at sa wakas ay aamin sa pagpatay sa kanyang kapatid.

Seantum being taken away

Pumunta ang mga hukom sa bahay ni Seantum, at nangyari ang lahat ng sinabi ni Nephi. Pinalaya si Nephi at ang limang lalaki.

Nephi

Habang naglalakad ang mga tao papalayo kay Nephi, may ilan na nagsabing siya ay propeta; ang iba ay nagsabi na siya ay diyos. Umuwi si Nephi, na malungkot pa rin dahil sa kanilang kasamaan.