Kabanata 43 Nagpakita si Jesucristo sa mga Nephita Maraming Nephita ang nagtipon sa templo sa lupaing Masagana. Namangha sila sa malaking mga pagbabago sa lupain. 3 Nephi 11:1 Nag-uusap ang mga tao tungkol kay Jesucristo at sa palatandaan ng kanyang kamatayan. 3 Nephi 11:2 Habang nag-uusap sila, nakarinig sila ng tinig mula sa langit. Ito ay nagpaalab sa kanilang mga puso. 3 Nephi 11:3 Sa simula ay hindi nila maunawaan ang tinig, ngunit nang magsalita ito sa ikatlong ulit, naunawaan nila ito. 3 Nephi 11:4–6 Ang tinig ay sa Ama sa Langit. Ipinakilala nito si Jesucristo at sinabi sa mga tao na pakinggan siya. 3 Nephi 11:7 Bumaba si Jesucristo mula sa langit at tumayo sa gitna ng mga tao. Natakot silang magsalita dahil hindi nila nauunawaan kung ano ang nangyayari. Akala nila ay anghel si Jesucristo. 3 Nephi 11:8 Sinabi niya sa kanila na siya ay si Jesucristo, ang sinabi ng mga propeta na siyang darating. 3 Nephi 11:10 Sinabi ni Jesucristo sa mga tao na lumapit at salatin ang mga bakas sa kanyang tagiliran at sa kanyang mga kamay at mga paa, kung saan siya ay ipinako sa krus. 3 Nephi 11:14 Nais ni Jesucristo na malaman ng mga tao na siya ang kanilang Diyos at siya ay namatay para sa kanilang mga kasalanan. 3 Nephi 11:14 Isa-isang sinalat ng mga tao ang mga bakas sa tagiliran, mga kamay, at mga paa ni Jesus. Nalaman ng mga tao na siya ang Tagapagligtas. 3 Nephi 11:15 Pagkatapos ay pinuri ng mga tao si Jesus at lumuhod sa kanyang paanan at sinamba siya. 3 Nephi 11:17 Tinawag ni Jesus si Nephi at 11 pang lalaki na lumapit sa kanya. Binigyan niya sila ng kapangyarihan ng pagkasaserdote at tinuruan sila ng tamang paraan ng pagbibinyag. 3 Nephi 11:18, 21–26; 3 Nephi 12:1 Sinabi niya sa mga Nephita na maniwala sa kanya, magsisi, at sumunod sa mga kautusan. Kung hindi nila ito gagawin, hindi sila makapapasok sa kanyang kaharian. 3 Nephi 12:19–20 Tinuruan niya ang mga Nephita kung paano manalangin sa Ama sa Langit. Tinuruan din niya sila tungkol sa pag-aayuno at sinabi na mapapatawad sila kung sila ay magpapatawad sa isa’t isa. 3 Nephi 13:6–18 Pagkatapos na turuan ang mga tao ng maraming bagay, sinabi ni Jesus sa kanila na umuwi na at isipin at ipagdasal ang tungkol sa kanyang mga sinabi. 3 Nephi 17:1–3 Nagsimulang umiyak ang mga Nephita. Hindi pa nila nais na umalis si Jesus. 3 Nephi 17:5 Mahal ni Jesus ang mga Nephita. Sinabi niya sa kanila na dalhin sa kanya ang mga taong may sakit o may dinaramdam upang kanyang pagalingin niya sila. 3 Nephi 17:7 Pinagaling ni Jesus ang mga taong ito. Yumukod ang lahat at sinamba siya. 3 Nephi 17:9–10