Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 1: Paano Natin Nakuha ang Aklat ni Mormon


Kabanata 1

Paano Natin Nakuha ang Aklat ni Mormon

Joseph looking at church

Noong si Joseph Smith ay 14 na taong gulang, maraming simbahan ang nagsabing ang mga ito ang totoo, at hindi niya malaman kung saan siya sasapi.

Joseph reading Bible

Isang araw, binasa ni Joseph ang Santiago 1:5 sa Biblia: “Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, ay humingi sa Diyos.” Kailangang malaman ni Joseph kung aling simbahan ang tama, kung kaya’t ipinasiya niyang magtanong sa Diyos.

Joseph in woods

Isang umaga ng tagsibol, pumunta si Joseph sa kakahuyan na malapit sa kanilang tahanan upang magdasal.

Joseph praying

Habang nakaluhod siya at nagsisimulang magdasal, tinangka ni Satanas na pigilin siya. Nanalangin nang higit na mataimtim si Joseph, humihiling sa Ama sa Langit na tulungan siya.

Heavenly Father and Jesus

Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph sa isang haligi ng liwanag. Itinuro ng Ama sa Langit si Jesus at nagsabing: “Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!”

Jesus

Nagtanong si Joseph kung aling simbahan ang sasapian niya. Sinabi sa kanya ni Jesus na huwag siyang sasapi sa alin man sa mga ito sapagkat ang mga ito lahat ay mali.

people laughing at Joseph

Nang sabihin ni Joseph sa ilang tao kung ano ang kanyang nakita at narinig, pinagtawanan siya nila. Ang mga namumuno sa maraming simbahang lokal ay pinag-usig siya.

Joseph praying

Lumipas ang tatlong taon. Isang gabi, nagdasal si Joseph upang mapatawad sa kanyang mga kasalanan at upang malaman kung ano ang dapat niyang gawin.

Moroni appearing to Joseph

Isang anghel na nagngangalang Moroni ang nagpakita kay Joseph at nagsabi sa kanya tungkol sa isang aklat na nakasulat sa mga laminang ginto. Kailangang isalin ni Joseph ang mga laminang ito sa Ingles.

Joseph in bed

Makaraang umalis si Moroni, inisip ni Joseph ang sinabi sa kanya ni Moroni. Dalawang ulit pang bumalik si Moroni nang gabing iyon.

Joseph lifting rock

Kinabukasan, pumunta si Joseph sa tuktok ng Burol Cumorah, na kanyang nakita sa pangitain. Doon ay may nakita siyang malaking bato. Iniangat niya ang bato sa pamamagitan ng isang patpat.

Joseph looking at gold plates

Sa ilalim ng malaking bato ay may isang kahon na yari sa bato. Nang tumingin si Joseph sa loob ng kahon, nakita niya ang mga laminang ginto.

Moroni appearing to Joseph

Nagpakita si Moroni kay Joseph at sinabi sa kanya na huwag kunin ang mga lamina bagkus bumalik sa ganoon ding araw bawat taon sa loob ng apat na taon. Sa bawat pagpunta ni Joseph, tinuturuan siya ni Moroni.

Moroni appearing to Joseph

Pagkatapos ng apat na taon, pinayagan sa wakas si Joseph na kunin ang mga laminang ginto. Ginamit niya ang Urim at Tummim upang isalin ang ilan sa kanila.

Joseph with scribe

Ang ilang tagasulat ay tumulong kay Joseph sa pamamagitan ng pagsulat sa mga salita habang isinasalin niya ang mga ito mula sa mga laminang ginto.

Joseph with printer

Dinala ni Joseph ang naisaling mga salita sa isang manlilimbag at ipinagawa itong isang aklat.

History of the Church 1:71

Book of Mormon

Ang aklat ay tinawag na Aklat ni Mormon. Nagkukuwento ito tungkol sa mga taong tumira sa Amerika maraming taon na ang nakalilipas. Nagkukuwento rin ito tungkol kay Jesucristo, ang Anak ng Diyos.