Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 32: Si Kapitan Moroni at ang Bandila ng Kalayaan


Kabanata 32

Si Kapitan Moroni at ang Bandila ng Kalayaan

Amalickiah talking

Isang masamang tao na nagngangalang Amalikeo ang nagnais na maging hari ng mga Nephita. Maraming Nephita ang umalis sa Simbahan upang sumunod sa kanya.

Amalickiah

Kung magiging hari si Amalikeo, tatangkain niyang wasakin ang Simbahan ng Diyos at alisin ang kalayaan ng mga tao.

Moroni watching Amalickiah

Nang malaman ng pinuno ng mga hukbo ng Nephita, na si Kapitan Moroni, ang plano ni Amalikeo na maging hari, nagalit siya.

Moroni writing on flag

Pinunit ni Moroni ang kanyang bata upang gumawa ng isang bandila. Isinulat niya dito ang isang mensahe upang paalalahanan ang mga tao na ipagtanggol ang kanilang relihiyon, kalayaan, at kapayapaan.

Moroni praying

Inilagay ni Moroni ang bandila sa isang mahabang kahoy at tinawag itong bandila ng kalayaan. Pagkatapos ay lumuhod siya at nanalangin na suot ang kanyang damit pandigma.

Moroni praying

Hiniling niya sa Diyos na pangalagaan ang mga naniniwala kay Jesucristo at nanalangin para sa kalayaan sa lupain, at tinawag itong lupain ng kalayaan.

Moroni waving flag

Pumunta si Moroni sa mga tao. Habang iwinawagayway ang bandila ng kalayaan, nanawagan siya sa kanila na tumulong na ipagtanggol ang kanilang kalayaan.

people gathering around Moroni

Dumating ang mga tao mula sa buong lupain. Nangako sila na susundin ang mga kautusan ng Diyos at makikipaglaban para sa kalayaan.

Amalickiah and followers running away

Nang makita ni Amalikeo kung gaano karaming Nephita ang sumama kay Moroni, natakot siya. Umalis siya kasama ang kanyang mga tagasunod at umanib sa mga Lamanita.

Moroni and his army

Tinangka ni Moroni at ng kanyang mga hukbo na pigilin sila, ngunit nakatakas si Amalikeo at ang ilan sa kanyang mga tao.

flag flying on watch tower

Naglagay si Moroni ng bandila ng kalayaan sa bawat tore sa lupain ng mga Nephita. Naingatan ng mga Nephita ang kanilang kalayaan at muling nagkaroon ng kapayapaan.