Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 34: Si Helaman at ang 2,000 Kabataang Mandirigma


Kabanata 34

Si Helaman at ang 2,000 Kabataang Mandirigma

guards on wall

Nangako sa Diyos ang mga tao ni Ammon na hindi na sila muling makikipaglaban. Nanirahan sila malapit sa mga Nephita, at ipinagtatanggol sila ng mga Nephita.

men talking with Helaman

Nang lusubin ng mga kalaban ng mga tao ni Ammon ang mga Nephita, ninais ng mga tao ni Ammon na sirain ang kanilang pangako at tulungan ang mga Nephita na makipaglaban.

Helaman talking to group

Hindi nais ni Helaman at ng iba pang mga pinunong Nephita na sirain ng mga tao ni Ammon ang kanilang pangako sa Diyos.

sons of people of Ammon

Ang mga batang anak na lalaki ng mga tao ni Ammon ay walang pangakong ganito. Nais nilang tumulong sa hukbo ng mga Nephita na ipaglaban ang kanilang kalayaan.

2000 warriors

Dalawang libo sa mga kabataang lalaking ito ang pumili na ipagtanggol ang kanilang bayan. Hiniling nila kay Helaman na maging pinuno nila.

three warriors

Ang mga kabataang lalaking ito ay magigiting, matatapang, at malalakas. Matatapat at mapagkakatiwalaan din sila, at tumutupad sila sa mga kautusan ng Diyos.

Helaman with warriors

Pinamunuan ni Helaman sa pakikipaglaban ang kanyang 2,000 kabataang mandirigma. Tinawag niya silang kanyang mga anak, at tinawag nila siyang kanilang ama.

Helaman leading warriors

Bagamat hindi pa nakipaglaban ang mga anak ni Helaman, hindi sila natakot. Tinuruan sila ng kanilang mga ina na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos at malaman na nilang tutulungan niya sila.

warriors fighting

Nakipaglaban si Helaman at ang kanyang hukbo nang ilang ulit sa mga Lamanita. Sinunod ng mga kabataang lalaking ito ang lahat ng utos ni Helaman.

warriors after battle

Matapang silang nakipaglaban at tumulong upang maitaboy papalayo ang mga kaaway. Pagkatapos ng labanan, natuklasan ni Helaman na ang lahat ng kanyang anak ay nasaktan ngunit walang isa man ang napatay.

Helaman and warrior

Isa itong himala. Masayang-masaya si Helaman. Alam niyang pinangalagaan ang mga kabataang lalaking ito dahil sa kanilang malaking pananampalataya sa Diyos.