Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 16: Tumakas si Haring Limhi at ang Kanyang mga Tao


Kabanata 16

Tumakas si Haring Limhi at ang Kanyang mga Tao

Lamanites watching people in field

Hinuli ng mga Lamanita ang karamihan sa Nephita na hindi tumakas kasama ni Haring Noe. Dinala sila ng mga Lamanita at binigyan sila ng lupa ngunit pinagbayad sila ng mataas na buwis.

King Limhi

Ginawa ng mga Nephita si Limhi na bago nilang hari. Si Limhi ay anak ni Haring Noe, ngunit hindi siya masama katulad ng kanyang ama. Isa siyang mabuting tao.

Lamanite whipping Nephites

Tinangka ni Haring Limhi na makipagkasundo sa mga Lamanita, ngunit patuloy nilang binantayan ang mga Nephita at pinagmalupitan sila.

Nephites being captured

Isang araw may nakitang mga dayuhan si Haring Limhi sa labas ng lungsod. Ipinakulong niya sila. Ang mga dayuhan ay mga Nephita mula sa Zarahemla.

Ammon talking to Limhi

Ang kanilang pinuno ay nagngangalang Ammon. Masaya si Haring Limhi na makita siya. Alam niyang makatutulong si Ammon sa kanyang mga tao na makatakas mula sa mga Lamanita.

King Limhi talking to people

Tinipon ni Haring Limhi ang kanyang mga tao. Pinaalalahanan niya sila na ang kanilang kasamaan ang dahilan kung bakit sila pinipigilan ng mga Lamanita.

Limhi talking

Sinabi niya sa kanyang mga tao na magsisi, magtiwala sa Diyos, at sumunod sa mga kautusan. Pagkatapos ay tutulungan sila ng Diyos na makatakas.

Lamanites talking

Nalaman ng mga Nephita na ang mga Lamanita na nagbabantay sa lungsod ay karaniwang lasing sa gabi.

Nephites taking wine to guards

Nang gabing iyon, nagpadala ng karagdagang alak si Haring Limhi sa mga bantay bilang regalo.

Limhi and his people escaping

Nakaraan sina Haring Limhi at ang kanyang mga tao sa lasing na mga bantay at nakatakas.

people being welcomed to Zerahemla

Ginabayan ni Ammon si Haring Limhi at ang kanyang mga tao sa ilang patungo sa Zarahemla, kung saan sila ay malugod na tinanggap.