Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 12: Si Haring Benjamin


Kabanata 12

Si Haring Benjamin

King Benjamin teaching

Si Haring Benjamin ay isang mabuting haring Nephita. Sa tulong ng iba pang mabubuting tao, naghatid siya ng kapayapaan sa lupain.

King Benjamin and Mosiah

Tumanda si Haring Benjamin at ninais niyang makausap ang kanyang mga tao. Kailangang masabi niya sa kanila na ang kanyang anak na si Mosias ang susunod na magiging hari nila.

people gathering around temple

Ang mga tao ay dumating mula sa iba’t ibang bahagi ng lupain at nagtipon malapit sa templo. Itinayo nila ang kanilang mga tolda na nakaharap ang pinto sa templo.

King Benjamin speaking

Si Haring Benjamin ay nagsalita mula sa isang tore upang marinig siya ng mga Nephita.

Nephites

Sinabi niya sa kanyang mga tao na nagsumikap siyang mapaglingkuran sila. Sinabi niyang ang paraan ng paglilingkod sa Diyos ay sa pamamagitan ng paglilingkod sa isa’t isa.

King Benjamin

Sinabi ni Haring Benjamin sa mga tao na sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Ang mga matapat na tumutupad sa mga kautusan ay magiging maligaya at mabubuhay kasama ng Diyos pagdating ng araw.

baby Jesus and Mary

Sinabi ni Haring Benjamin na hindi magtatagal ay isisilang sa lupa si Jesucristo. Ang magiging pangalan ng kanyang ina ay Maria.

Jesus performing miracles

Si Jesus ay gagawa ng mga himala. Pagagalingin niya ang mga maysakit at bubuhaying muli ang patay. Ibabalik niya ang paningin ng bulag at pandinig ng bingi.

Jesus praying

Si Jesus ay magdurusa at mamamatay para sa mga kasalanan ng lahat ng tao. Ang mga magsisisi at mananampalataya kay Jesus ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan.

Jesus being crucified

Sinabi ni Haring Benjamin sa mga Nephita na pahihirapan ng masasamang tao si Jesus. Pagkatapos ay ipapako nila si Jesus sa krus.

Jesus resurrected

Pagkatapos ng tatlong araw, si Jesus ay mabubuhay na mag-uli.

Nephites repenting

Pagkatapos magsalita ni Haring Benjamin, ang mga Nephita ay nangapalugmok sa lupa. Nalungkot sila dahil sa kanilang mga kasalanan at nagnais na magsisi.

people praying

Ang mga tao ay nagkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at nanalangin sila upang mapatawad.

Nephites smiling

Pinuspos ng Espiritu Santo ang kanilang mga puso. Nalaman nilang pinatawad sila ng Diyos at mahal niya sila. Nakadama sila ng kapayapaan at kagalakan.

King Benjamin talking to people

Sinabi ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao na maniwala sa Diyos. Ninais niyang malaman nila na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay at siya ay marunong at makapangyarihan.

family praying

Sinabi ni Haring Benjamin sa mga tao na maging mapagpakumbaba at manalangin bawat araw. Ninais niyang palaging alalahanin ng kanyang mga tao ang Diyos at maging matapat.

King Benjamin speaking

Sinabi niya sa mga magulang na huwag hahayaan ang kanilang mga anak na mag-away o magtalo.

parents teaching children

Sinabi niya sa kanila na turuan ang kanilang mga anak na maging masunurin at mahalin at paglingkuran ang isa’t isa.

Nephites listening to King Benjamin

Nagbabala siya sa mga tao na maging maingat sa kanilang mga iniisip, sinasabi, at ginagawa. Kailangan nilang maging matapat at tumupad sa mga kautusan sa buong buhay nila.

King Benjamin talking to people

Tinanong ni Haring Benjamin ang mga tao kung naniniwala sila sa kanyang mga turo. Sinabi nilang lahat na naniniwala sila. Binago sila ng Espiritu Santo at ayaw na nilang magkasala pa.

Nephites smiling

Silang lahat ay nakipagtipan, o nangako, na tutuparin ang mga kautusan ng Diyos. Natuwa si Haring Benjamin.

King Benjamin blessing Mosiah

Ibinigay ni Haring Benjamin sa kanyang anak na lalaki na si Mosias ang karapatan na maging bagong hari. Pagkaraan ng tatlong taon, namatay si Haring Benjamin.

Mosiah working

Si Mosias ay isang mabuting hari. Nagtrabaho siyang mabuti at naglingkod sa kanyang mga tao, kagaya ng ginawa ng kanyang ama.