Kabanata 33 Ang mga King-men Laban sa mga Freemen Nais ng ilang Nephita na baguhin ng punong hukom na si Pahoran ang ilan sa mga batas. Alma 51:2–3 Nang tumanggi si Pahoran, nagalit ang mga tao at ninais na alisin si Pahoran bilang punong hukom. Nais nilang magkaroon ng hari, hindi mga hukom. Alma 51:3–5 Tinawag na mga king-men, umasa sila na ang isa sa kanila ay magiging hari at magkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Alma 51:5, 8 Ang mga Nephita na nagnais na manatili si Pahoran bilang punong hukom ay tinawag na mga freemen. Nais nilang maging malaya na makapamuhay at makasamba ayon sa nais nila. Alma 51:6 Pumili ang mga tao sa pagitan ng mga king-men at mga freemen. Karamihan sa kanila ay bumoto sa mga freemen. Alma 51:7 Sa panahon ding iyon, nagtitipon si Amalikeo ng isang malaking hukbo ng mga Lamanita upang lumusob sa mga Nephita. Alma 51:9 Nang malaman ng mga king-men na darating ang mga Lamanita, natuwa sila at tumanggi na tumulong sa pagtatanggol sa kanilang bayan. Alma 51:13 Nagalit si Kapitan Moroni sa mga king-men sa pagtanggi nila na makipaglaban. Pinaghirapan niyang mapanatiling malaya ang mga Nephita. Alma 51:14 Humingi siya ng kapangyarihan sa gobernador na pilitin ang mga king-men na makipaglaban, o hatulan sila ng kamatayan. Alma 51:15 Nang bigyan ng gobernador na si Pahoran ng ganitong kapangyarihan si Moroni, pinamunuan ni Moroni ang kanyang hukbo laban sa mga king-men. Alma 51:16–18 Maraming king-men ang napatay; ang ilan ay ikinulong sa bilangguan. Ang natira ay pumayag na tumulong sa pagtatanggol sa kanilang bayan laban sa mga Lamanita. Alma 51:19–20