Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 15: Nagturo at Nagbinyag si Alma


Kabanata 15

Nagturo at Nagbinyag si Alma

Alma writing

Tumakas si Alma mula sa mga tagapaglingkod ni Haring Noe at nagtago sa loob ng maraming araw. Habang siya ay nagtatago, kanyang isinulat ang mga itinuro ng propetang si Abinadi.

Alma teaching others

Nagsisi si Alma sa kanyang mga kasalanan at palihim na pumunta sa mga Nephita, at itinuro ang mensahe ni Abinadi. Sinabi ni Alma sa mga tao na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at magsisi.

Alma

Sa araw, si Alma ay nagtatago sa masukal na kakahuyan malapit sa isang lawa na tinatawag na Mga Tubig ng Mormon.

Alma baptizing others

Ang mga naniwala sa mga turo ni Alma ay pumunta sa Mga Tubig ng Mormon at bininyagan. Nagbinyag si Alma ng 204 na katao sa Simbahan ni Cristo.

Alma ordaining priests

Si Alma ay nag-ordena ng mga saserdote upang magturo sa mga tao. Sinabi niya sa mga saserdote na ituro ang pagsisisi at pananampalataya kay Jesucristo. Sinabi rin niya na hindi sila kailangang magtalo bagkus sila ay magkaisa.

men sharing

Ang mga tao ni Alma ay nagmahalan at naglingkod sa isa’t isa. Ibinahagi nila ang lahat ng bagay na mayroon sila at nagpasalamat na natutuhan nila ang tungkol kay Jesucristo, ang kanilang Manunubos.

Noah’s servants spying on Alma

Nakita ng mga tagapaglingkod ni Haring Noe na nagtuturo si Alma sa mga tao. Sinabi ng hari na pinupukaw ni Alma ang mga Nephita na maghimagsik laban sa kanya, kung kaya’t nagpadala siya ng hukbo upang patayin sila.

Alma and others fleeing

Binigyan ng babala ng Diyos si Alma na parating na ang hukbo ni Haring Noe. Tinipon ng mga tao ang kanilang mga mag-anak, hayop, at iba pang ari-arian at tumakas patungo sa ilang.

King Noah’s soldier

Pinalakas ng Diyos ang mga tao ni Alma upang makatakas sila mula sa hukbo ni Haring Noe. Naghanap ang hukbo ngunit hindi sila kailanman nakita.

people planting

Pagkatapos maglakbay sa ilang sa loob ng walong araw, ang mga tao ni Alma ay nakarating sa isang magandang pook na may dumadaloy na dalisay na tubig. Dito ay nagtanim sila ng mga pananim at nagtayo ng mga gusali.

Alma talking with others

Nais ng mga tao na maging hari nila si Alma, ngunit sinabi ni Alma na ayaw ng Diyos na magkaroon sila ng hari. Nais ng Diyos na maging malaya sila.