Kabanata 39 Tumanggap si Nephi ng Dakilang Kapangyarihan Naglakad si Nephi pauwi sa kanyang tahanan, na iniisip ang tungkol sa ipinakita sa kanya ng Panginoon at tungkol sa kasamaan ng mga Nephita. Malungkot siya dahil sa kanilang kasamaan. Helaman 10:1–3 Nagsalita ang Panginoon kay Nephi at pinuri siya sa pagiging masunurin at pagsusumikap na maituro ang ebanghelyo. Helaman 10:4 Binigyan si Nephi ng kapangyarihan na magawa ang anumang bagay. Alam ng Panginoon na gagamitin niya nang mabuti ang kapangyarihang ito. Helaman 10:5 Sinabi ng Panginoon kay Nephi na bigyang-babala ang mga Nephita na kapag hindi sila nagsisi, sila ay lilipulin. Kaagad na nagbigay-babala si Nephi sa mga tao. Helaman 10:11–12 Hindi naniwala kay Nephi ang mga Nephita. Tinangka nilang itapon siya sa bilangguan, ngunit pinangalagaan siya ng kapangyarihan ng Diyos. Helaman 10:15–16 Ipinahayag ni Nephi ang salita ng Diyos sa lahat ng Nephita. Helaman 10:17 Ngunit lalong naging masama ang mga tao at nagsimulang makipag-away sa isa’t isa. Helaman 11:1 Nanalangin si Nephi upang magkaroon ng taggutom, umaasang ang kakulangan sa pagkain ay mag-uudyok na magpakumbaba ang mga Nephita at makatutulong sa kanila na magsisi. Helaman 11:3–4 Dumating ang taggutom. Walang ulan, kung kaya’t natuyo ang lupa at hindi mabuhay ang mga pananim. Tumigil sa pakikipag-away ang mga tao. Helaman 11:5–6 Nagutom ang mga Nephita, at marami sa kanila ang namatay. Ang mga nabuhay ay nagsimulang maalala ang Panginoon at ang itinuro sa kanila ni Nephi. Helaman 11:6–7 Nagsisi ang mga tao sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ay nagmakaawa sa mga hukom na hilingin kay Nephi na wakasan na ang taggutom. Pumunta ang mga hukom kay Nephi. Helaman 11:8–9 Nang makita ni Nephi na naging mapagpakumbaba at nagsisi ang mga tao, hiniling niya sa Panginoon na wakasan ang taggutom. Helaman 11:9–12 Tinugon ng Panginoon ang panalangin ni Nephi, at nagsimulang umulan. Hindi nagtagal, muling nagsitubo ang mga pananim. Pinapurihan ng mga tao ang Diyos at nalaman na si Nephi ay isang dakilang propeta. Helaman 11:17–18 Karamihan sa mga Nephita ay sumapi sa Simbahan. Yumaman sila, at lumaki ang kanilang mga lungsod. Nagkaroon ng kapayapaan sa lupain. Helaman 11:20–21 Di naglaon, ang ilan sa mga Nephita na sumama sa mga Lamanita noong una ay lumusob sa mga Nephita. Helaman 11:24 Tinangka ng mga Nephita na madaig ang kanilang mga kaaway, na naging mga tulisan ni Gadianton, ngunit hindi nila magawa dahil sila mismo ay muling naging masama. Helaman 11:26, 28–29 Kapag mabubuti ang mga Nephita, binibiyayaan sila ng Panginoon. Kapag sila ay palalo at nakakalimot sa Panginoon, binibigyan niya sila ng mga suliranin upang matulungan sila na maalala siya. Helaman 12:1–3