Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 30: Pinayuhan ni Alma ang Kanyang mga Anak na Lalaki


Kabanata 30

Pinayuhan ni Alma ang Kanyang mga Anak na Lalaki

Alma speaking to sons

Malungkot si Alma dahil naging napakasama ng mga Nephita. Kinausap niya ang bawat isa niyang anak na lalaki tungkol sa matwid na pamumuhay.

angel with Alma and sons of Mosiah

Sinabi ni Alma kay Helaman, ang kanyang panganay na anak na lalaki, na manalig sa Diyos. Sinabi niya sa kanya ang tungkol sa anghel na ipinadala ng Diyos upang sabihin kay Alma na itigil ang pagsira sa Simbahan.

Alma suffering on bed

Sa loob ng tatlong araw, nagdusa si Alma dahil sa kanyang kasalanan. Pagkatapos ay naalala niya ang mga turo ng kanyang ama tungkol kay Jesus, at nalaman niyang maaaring mapatawad ang kanyang mga kasalanan.

Alma

Nanalangin si Alma para sa kapatawaran, at galak ang pumalit sa sakit na nararamdaman ng kanyang kaluluwa. Pinatawad siya dahil mayroon siyang pananampalataya kay Jesucristo at siya ay nagsisi.

Alma teaching

Mula noon ay itinuro ni Alma ang ebanghelyo sa ibang tao upang kanilang madama ang ganoon ding galak na kanyang nadama. Biniyayaan ng Diyos si Alma dahil sa kanyang pananalig sa Diyos.

Alma giving Helaman records

Ibinigay ni Alma kay Helaman ang banal na mga talaan at sinabi sa kanya na ipagpatuloy ang pagsulat ng kasaysayan ng kanilang mga tao.

Alma talking to Helaman

Sinabi sa kanya ni Alma na kung tutuparin niya ang mga kautusan, bibiyayaan siya ng Diyos at tutulungan na maingatan ang mga talaan.

Alma and Helaman

Sinabi rin ni Alma kay Helaman na manalangin tuwing umaga at gabi at makipag-usap sa Diyos tungkol sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa upang magabayan siya ng Diyos.

Shiblon

Masaya si Alma sa kanyang anak na lalaking si Siblon, na naging matapang na misyonero sa mga Zoramita. Nanatiling matapat si Siblon kahit na nang batuhin siya nila.

Alma and Shiblon

Pinaalalahanan ni Alma si Siblon na ang tanging paraan upang maligtas ay sa pamamagitan ni Jesucristo. Pagkatapos ay hinikayat ni Alma ang kanyang anak na ipagpatuloy ang pagtuturo ng ebanghelyo.

Corianton

Ang anak na lalaki ni Alma na si Corianton ay hindi tumupad sa mga kautusan. Hindi siya naging matapat na misyonero habang nagtuturo sa mga Zoramita.

Alma

Dahil sa ginawa ni Corianton, ayaw maniwala ng mga Zoramita sa mga turo ni Alma.

Alma and Corianton

Sinabi ni Alma kay Corianton na hindi maitatago sa Diyos ng mga tao ang kanilang mga kasalanan at kailangan ni Corianton na magsisi.

Alma

Tinuruan ni Alma ang kanyang anak na ang bawat isa ay mabubuhay na mag-uli ngunit ang mga matwid lamang ang mabubuhay sa piling ng Diyos.

Alma and Corianton

Ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na magsisi at maglingkod sa Diyos, sabi ni Alma.

Alma giving Corianton scriptures

Pinaalalahanan si Corianton na natawag siya bilang misyonero, sinabi ni Alma sa kanya na bumalik sa mga Zoramita at turuan ang mga tao na magsisi.

Alma and his sons teaching

Nagpatuloy si Alma at ang kanyang mga anak na lalaki sa pagtuturo ng ebanghelyo. Nagturo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkasaserdote.