Kabanata 51 Naglakbay ang mga Jaredita Patungo sa Lupang Pangako Habang nagkakampo ang mga Jaredita sa tabing dagat, nakalimutan ng kapatid ni Jared na magdasal. Dumating ang Panginoon sa isang ulap upang sabihin sa kanya na magsisi. Eter 2:14 Nagsisi at nagdasal ang kapatid ni Jared. Pinatawad ng Panginoon ang kapatid ni Jared ngunit sinabi na hindi na siya dapat muling magkasala. Eter 2:15 Pinagawa ng Panginoon ang kapatid ni Jared ng mga gabara upang madala ang kanyang mga tao sa lupang pangako. Eter 2:16 Sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared kung paano gumawa ng mga gabara. Eter 2:16–17 Ginawang mahigpit ang mga gabara upang hindi mapasok ng tubig. Eter 2:17 Nagtaka ang kapatid ni Jared kung paano makahihinga ang mga tao sa mga gabara. Tinanong niya sa Panginoon kung ano ang dapat niyang gawin. Eter 2:19 Sinabi ng Panginoon sa kanya na gumawa ng butas sa ibabaw at ilalim ng bawat gabara. Maaaring buksan ang butas upang makapasok ang hangin at isara upang hindi makapasok ang tubig. Eter 2:20 Sinabi ng kapatid ni Jared sa Panginoon na madilim sa loob ng gabara. Hiniling sa kanya ng Panginoon na mag-isip ng paraan upang magkaroon ng liwanag sa loob ng mga gabara. Eter 2:22–23 Ang liwanag ay hindi maaaring magmula sa apoy o sa mga bintana dahil ang mga ito ay madudurog. Eter 2:23 Pumunta ang kapatid ni Jared sa bundok upang bumuo ng labing anim na maliliit na bato mula sa isang malaking bato. Ang mga bato ay naging tila malinaw na salamin. Gumawa siya ng dalawang bato para sa bawat isa sa walong gabara. Eter 3:1 Dinala ng kapatid ni Jared ang mga bato sa tuktok ng bundok. Doon ay nanalangin siya sa Panginoon. Eter 3:1 Hiniling ng kapatid ni Jared sa Panginoon na hipuin ang mga bato upang makapagbigay ang mga ito ng liwanag sa loob ng mga gabara. Eter 3:4 Hinipo ng daliri ng Panginoon ang bawat bato. Eter 3:6 Dahil may dakilang pananampalataya ang kapatid ni Jared, nakita niya ang daliri ng Panginoon. Para itong daliri ng tao. Eter 3:6, 9 Pagkatapos ay nagpakita ang Panginoon sa kapatid ni Jared. Eter 3:13 Sinabi ni Jesus na ang mga tao na naniniwala sa kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Eter 3:14 Tinuruan at pinakitaan ni Jesus ang kapatid ni Jared ng maraming bagay. Sinabi ni Jesus sa kanya na isulat kung ano ang kanyang nakita at narinig. Eter 3:25–27 Dinala ng kapatid ni Jared ang mga bato pababa sa bundok. Naglagay siya ng isang bato sa bawat dulo ng mga gabara. Nagbigay ang mga ito ng liwanag sa loob ng mga gabara. Eter 6:2–3 Pumasok ang mga Jaredita sa mga gabara kasama ang kanilang mga hayop at pagkain. Pinahipan ng Panginoon sa isang malakas na hangin ang mga gabara patungo sa lupang pangako. Eter 6:4–5 Pinangalagaan sila ng Panginoon sa maalong dagat. Nagpasalamat sila sa Panginoon at umawit ng mga papuri sa kanya. Eter 6:6–10 Pagkatapos ng 344 na araw sa tubig, dumaong ang mga gabara sa baybayin ng lupang pangako. Eter 6:11–12 Nang lumabas ang mga Jaredita sa mga gabara, lumuhod sila at umiyak dahil sa kagalakan. Eter 6:12 Ang mga Jaredita ay nagtayo ng mga bahay at nagtanim sa lupang pangako. Tinuruan nila ang kanilang mga anak na makinig sa Panginoon at sumunod sa kanyang mga salita. Eter 6:13, 16–18