Mga Taong Dapat Malaman
-
Aaronanak na lalaki ni Haring Mosias at isang misyonero sa mga Lamanita
-
Abinadiisang propetang isinugo upang turuan si Haring Noe, na nagpasunog kay Abinadi
-
Adanang unang lalaki sa mundo
-
Almaisang saserdote ni Haring Noe na naniwala sa mga turo ni Abinadi at pagkatapos ay naging pinuno ng Simbahan
-
Nakababatang Almaanak na lalaki ni Alma na naghimagsik at nagtangkang sirain ang Simbahan ngunit nagbago ng puso at nagsimulang mangaral ng ebanghelyo. Siya ay naging pinuno ng Simbahan at unang punong hukom.
-
Amalikeoisang masamang taong nagnais na maging hari ng mga Nephita, ngunit aalisan ng kalayaan ang mga tao. Nang hindi siya naging hari, umalis siya upang sumapi sa mga Lamanita.
-
Amliciisang masamang taong nagnais na maging hari ng mga Nephita. Nang hindi siya naging hari, siya at ang kanyang mga tagasunod ay umalis, sinalakay ang mga Nephita, at pagkatapos ay sumapi sa mga Lamanita.
-
Amlicitamga tagasunod ni Amlici. Naglagay sila ng pulang tanda sa kanilang mga noo at sumapi sa mga Lamanita.
-
Amaronisang mabuting lalaki na nagbigay kay Mormon ng mga talaan upang ang mga ito ay maging ligtas.
-
Ammonang pinuno ng isang grupo ng mga Nephita sa Zarahemla na nagtungo sa lupain ni Nephi at tumulong sa mga Nephitang tumakas.
-
Ammonisa sa mga anak na lalaki ni Mosias na nagprotekta sa mga kawan ni Haring Lamoni mula sa mga magnanakaw. Marami siyang tinuruan at pinagbalik-loob na mga Lamanita sa kanyang pagmimisyon.
-
Ammon, mga tao ni mga Lamanitang napagbalik-loob ng mga anak na lalaki ni Mosias. Ibinaon ng mga taong ito ang kanilang mga sandata at nakipagtipang hindi na muling makikipaglaban pa.
-
Amulekang kasamang misyonero ng nakababatang Alma. Ikinulong sila sa bilangguan ngunit gumamit ng kapangyarihan ng Diyos upang paguhuin ang mga pader ng bilangguan.
-
Amulonisang masamang saserdote ni Haring Noe na ginawang pinuno ng mga tao ni Alma. Pinagtrabaho niya sila nang mabigat at nagbantang papatayin ang sinuman mahuhuling nagdarasal.
-
Anti-Nephi-Lehi(tingnan sa Ammon, mga tao ni)
-
Benjamin, Haringisang mabuting hari na tumayo sa isang tore upang turuan ang kanyang mga tao tungkol kay Jesucristo
-
Kapatid na lalaki ni Jaredisang propeta na humiling kay Jesus na hipuin ang 16 na bato nang sa gayon ay magbigay liwanag ang mga ito sa mga gabara na gagamitin ng mga Jaredita sa kanilang paglalakbay sa lupang pangako
-
Coriantonanak na lalaki ng nakababatang Alma na hindi matapat at mabuting misyonero
-
Coriantumerisang masamang hari na siyang huling nabuhay na Jaredita
-
Enosanak na lalaki ni Jacob na nanalangin sa loob ng buong araw at buong magdamag. Nanalangin siya para sa mga Nephita at Lamanita.
-
Eterisang propeta na nagbabala sa mga Jaredita na magsisi at nagsulat tungkol sa kanilang pagkalipol
-
Evaang unang babae sa mundo
-
freemenmga Nephita na naghangad ng kalayaang mamuhay at sumamba ayon sa kanilang sariling kalooban. Pinamunuan sila ng mga hukom, at hindi ng hari.
-
Gedeonisang mabuting Nephita na nagtanggol sa Simbahan nang magsimulang magturo si Nehor ng kasinungalingan sa mga tao. Pinatay siya ni Nehor.
-
Hagotisang Nephitang gumagawa ng mga sasakyangdagat na nagdala sa maraming Nephita sa isang lupain sa hilaga
-
Helamanang pinakamatandang anak na lalaki ng Nakababatang Alma. Ibinigay sa kanya ang mga lamina at sinabihang isulat ang kasaysayan ng kanyang mga tao. Pinuno rin siya ng 2,000 kabataang mandirigma.
-
Himnianak na lalaki ni Haring Mosias at misyonero sa mga Lamanita
-
Ismaelisang lalaki na mula sa Jerusalem na naglakbay patungo sa lupang pangako kasama ng mag-anak ni Lehi. Pinakasalan ng mga anak niyang babae ang mga anak na lalaki ni Lehi.
-
Jacobanak na lalaki nina Lehi at Saria. Hinarap niya si Serem, na nagsabing walang Cristo.
-
Jaredita, mgamga tagasunod ni Jared at ng kanyang kapatid na lalaki na lumisan sa Babel at naglakbay patungo sa lupang pangako na lulan ng mga gabara
-
Joseisang mabuting anak na lalaki nina Lehi at Saria na isinilang sa ilang
-
Joseph Smith, Jr. isang propeta sa mga huling araw na nagsalin ng Aklat ni Mormon mula sa mga laminang ginto
-
king-menmga Nephita na nagnais na pamunuan sila ng isang hari, at hindi ng mga hukom. Nang hindi sila magkaroon ng hari, sumapi sila sa mga Lamanita at nilusob nila ang mga Nephita.
-
Korihorisang masamang lalaki na nagnais na makakita ng isang palatandaan na magpapatotoo na buhay ang Diyos. Binigyan ng Diyos si Korihor ng palatandaan sa pamamagitan ng pag-alis ng kanyang tinig.
-
Labanisang masamang lalaki sa Jerusalem na ayaw magbigay ng mga laminang tanso sa mga anak na lalaki ni Lehi
-
Lamanang pinakamatandang anak na lalaki nina Lehi at Saria. Masama siya at naghimagsik siya laban sa Diyos.
-
Laman, Haring isang masamang haring Lamanita na nagbigay kina Zenif at sa kanyang mga tagasunod na Nephita ng dalawang lungsod ngunit pagkatapos ay nilusob din sila
-
Lamanita, mgamga inapo o tagasunod nina Laman at Lemuel o mga taong tumanggi sa ebanghelyo
-
Lamoni, Ama ng Haringisang haring Lamanita na tinuruan ng ebanghelyo at naniwala. Sinabi niya na tatalikuran niyang lahat ng kanyang mga kasalanan makilala lamang ang Diyos.
-
Lamoni, Haringisang haring Lamanita na tinuruan ng ebanghelyo at naniwala. Pinangalagaan ni Ammon2 ang mga kawan ng hari mula sa mga magnanakaw.
-
Lehiisang propeta na nagbabala na ang Jerusalem ay wawasakin. Nakinig siya nang sabihin sa kanya ng Diyos na dalhin niya ang kanyang mag-anak sa ilang.
-
Lehi2 anak na lalaki ni Helaman. Siya at ang kanyang kapatid na si Nephi ay itinapon sa bilangguan at pinalibutan ng apoy.
-
Lemuelisang masamang anak na lalaki nina Lehi at Saria
-
Limhi, Haringmabuting anak na lalaki ng masamang Haring Noe. Siya at ang kanyang mga tao ay alipin ng mga Lamanita ngunit sila ay nakatakas.
-
Mariaang ina ni Jesus
-
Mormonisang pinuno ng hukbo ng mga Nephita at isa sa mga huling propetang Nephita. Tinipon niya ang Aklat ni Mormon.
-
Moronianak na lalaki ni Mormon at ang huling propetang Nephita. Ibinaon niya ang mga laminang ginto at di nagtagal ay nagpakita kay Joseph Smith bilang isang anghel.
-
Moroni, Kapitanisang matwid na pinuno ng hukbo ng mga Nephita. Ginawa niya ang bandila ng kalayaan at sinabihan ang kanyang hukbo na ipaglaban ang kanilang kalayaan.
-
Mosias, Haringang huling haring Nephita. Nagkaroon siya ng apat na anak na lalaki.
-
Nehormasamang lalaki na lantarang nakipag-away sa Simbahan ng Diyos. Pinaslang niya si Gedeon at siya ay pinatay rin.
-
Nephi1 mabuting anak nina Lehi at Saria. Kinuha niya ang mga laminang tanso kay Laban at ginawa ang sasakyang-dagat na nagdala sa kanyang mag-anak sa lupang pangako.
-
Nephi2 mabuting anak na lalaki ni Helaman. Siya at ang kanyang kapatid na lalaking si Lehi ay itinapon sa bilangguan at pinalibutan ng apoy. Pinapangyari ni Nephi na magkaroon ng taggutom upang turuan ang mga taong magsisi.
-
Nephi3 isang mabuting lalaki na pinili ni Jesucristo na maging disipulo at pinuno ng Simbahan
-
Nephita, mgamga tagasunod ni Nephi o mga taong tumanggap ng ebanghelyo
-
Noe, Haringisang masamang haring Nephita na nagmahal sa kayamanan at nagturo sa kanyang mga taong maging masama. Sinunog siya ng kanyang sariling mga tao.
-
Omneranak na lalaki ni Haring Mosias at misyonero sa mga Lamanita
-
Pahoranisang punong hukom ng mga Nephita na tumulong kay Kapitan Moroni na talunin ang mga masamang Nephita
-
Samisang mabuting anak na lalaki nina Lehi at Saria
-
Samuel na Lamanitaisang propetang nagpropesiya sa mga Nephita tungkol sa mga palatandaan ng pagsilang at kamatayan ni Jesucristo
-
Sariaasawa ni Lehi1
-
Seantumkapatid na lalaki ni Sisoram at siyang pumatay sa kanya
-
Sisoramisang punong hukom na pinatay ng kanyang sariling kapatid na lalaki
-
Seremisang masamang Nephita na nagnais na makakita muna ng palatandaan bago siya maniniwala kay Jesucristo
-
Shizisang masamang Jaredita na namuno sa isang hukbo laban kay Coriantumer at isa sa mga huling Jareditang nabuhay
-
mga anak na lalaki ni Mosias mga anak na lalaki ni Haring Mosias: Aaron, Ammon2, Himni, at Omner, na mga magigiting na misyonero sa mga Lamanita
-
dalawang libong kabataang mandirigmaisang hukbo ng mga kabataang lalaking Ammonita na pinamunuan ni Helaman. Nakipaglaban sila upang ang kanilang mga magulang na nakipagtipang hindi na muling makikidigma ay hindi na makipaglaban
-
Zisromisang manananggol na nag-alok kay Amulek ng salapi upang sabihin na walang Diyos. Tinuruan siya ng Nakababatang Alma ng ebanghelyo, at nagsisi siya.
-
Zenifisang mabuting pinuno na nagdala sa isang grupo ng Nephita mula sa Zarahemla patungo sa lupain ni Nephi, na kung saan sila ay naging mga alipin ng masamang Haring Laman
-
Zerahemnasisang pinunong Lamanita na nakipaglaban sa mga Nephita at nagnasang gawin silang kanyang mga alipin. Siya ay naanitan sa isang pakikipaglaban sa hukbo ni Kapitan Moroni.
-
Zoramisang tagapaglingkod ni Laban na naglakbay kasama ng mag-anak ni Lehi sa lupang pangako
-
Zoramitamasasamang tao na dating kasapi ng simbahan ng Diyos. Nanalangin sila sa loob ng sinagoga sa isang tuntungang tinawag na Ramiumptom.