Kabanata 8 Pagtawid sa Dagat Sinabi ng Panginoon kay Lehi na isakay ang kanyang mag-anak sa sasakyang-dagat na kanilang ginawa. Kinargahan nila ito ng mga bungang kahoy, karne, at pulot at ng mga binhi ng mga halaman upang itanim sa lupang pangako. 1 Nephi 18:5–6 Hinipan ng malalakas na hangin ang sasakyang-dagat patungo sa lupang pangako. 1 Nephi 18:8 Sina Laman, Lemuel, at ang ilan pa ay nagsimulang maging masama. Nang sabihin sa kanila ni Nephi na tumigil, nagalit sila at iginapos siya sa pamamagitan ng lubid. 1 Nephi 18:9–11 Dahil sa kanilang kasamaan, ang Liahona ay tumigil sa pag-andar. Hindi nila malaman kung saang dako papupuntahin ang sasakyang-dagat. Isang malakas na bagyo ang umihip na pabalik sa sasakyang-dagat sa loob ng tatlong araw. Nephi 18:12–13 Sinabi ni Lehi kina Laman at Lemuel na kalagan si Nephi, ngunit ayaw nilang makinig. Labis na sumama ang loob nina Lehi at Saria kung kaya’t sila ay nagkasakit. 1 Nephi 18:17 Umiyak ang asawa at mga anak ni Nephi. Nagmakaawa sila kina Laman at Lemuel na kalagan si Nephi, ngunit hindi sila pumayag. 1 Nephi 18:19 Sa ikaapat na araw, lalong lumakas ang bagyo. Malapit nang lumubog ang sasakyang-dagat. 1 Nephi 18:14–15 Alam nina Laman at Lemuel na ipinadala ng Diyos ang bagyo. Natakot sila na baka sila malunod. 1 Nephi 18:15 Sa wakas, nagsisi sina Laman at Lemuel at kinalagan si Nephi. Bagamat ang kanyang mga bukung-bukong at galang-galangan ay namaga at mahapdi sa pagkakatali, hindi dumaing si Nephi. 1 Nephi 18:15–16 Pagkaraan ay pinulot ni Nephi ang Liahona, at ito ay muling gumana. Nanalangin si Nephi at tumigil ang hangin. Naging mapayapa ang dagat. 1 Nephi 18:21 Si Nephi ang nagpatakbo sa sasakyang-dagat, at muli itong naglayag patungo sa lupang pangako. 1 Nephi 18:22