Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 45: Nagturo si Jesucristo Tungkol sa Sakramento at Panalangin


Kabanata 45

Nagturo si Jesucristo Tungkol sa Sakramento at Panalangin

group of men walking

Inutusan ni Jesucristo ang kanyang mga disipulo na kumuha ng tinapay at alak. Sinabi niya sa mga Nephita na umupo sa lupa.

Jesus passing bread

Nang bumalik ang mga disipulo, pinutul-putol ng Tagapagligtas ang tinapay at binasbasan ito. Nagbigay siya ng ilan sa kanyang mga disipulo at ipinabigay sa kanila ang ilan sa mga tao.

Jesus talking

Sinabi ni Jesus na ang mga tao na tumatanggap ng sakramento ay nangangako na palagi siyang aalalahanin at ang kanyang sakripisyo. Pagkatapos ay tatanggapin nila ang kanyang Espiritu.

people passing wine

Binasbasan ni Jesucristo ang alak at ibinigay ito sa kanyang mga disipulo. Nagbigay ang mga disipulo ng alak sa mga tao.

Jesus teaching

Sinabi ni Jesus na ang mga tumatanggap ng sakramento ay nangangako na tutuparin ang kanyang mga kautusan.

Jesus talking to disciples

Muling sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo na ang bawat isa na tumatanggap ng sakramento at palaging nakakaalala sa kanya ay magkakaroon ng kanyang Espiritu.

Jesus talking to people

Sinabi niya sa kanyang mga disipulo na mabibiyayaan sila kapag tinupad nila ang kanyang mga kautusan.

Jesus talking to disciples

Sinabi niya sa kanila na palaging manalangin at manalangin kagaya ng nakita nilang pananalangin niya.

Savior talking to everyone

Sinabi ng Tagapagligtas sa lahat ng Nephita na manalangin sa Ama sa Langit sa kanyang pangalan. Ipinag-utos din niya sa kanila na manalangin kasama ang kanilang mag-anak.

people listening to Christ

Sinabi niya na ang mga tao ay dapat na sama-samang magpulong nang madalas. Dapat nilang tanggapin ang iba sa kanilang mga pagpupulong, ipanalangin sila, at maging mabuting mga halimbawa sa kanila.

Jesus going up to heaven

Binigyan ng Tagapagligtas ang kanyang mga disipulo ng kapangyarihan na magkaloob ng Espiritu Santo. Pagkatapos ay isang ulap ang tumakip sa mga tao kung kaya’t ang mga disipulo lamang ang nakakita kay Jesucristo na umakyat sa langit.