Kabanata 42 Ang mga Palatandaan ng Pagpapako kay Cristo sa Krus Tatlumpu’t-tatlong taon ang nakalipas mula nang makita ng mga tao ang mga palatandaan ng pagsilang ni Jesucristo. 3 Nephi 8:2 Inaabangan nila ngayon ang palatandaan ng kanyang pagkamatay: tatlong araw ng kadiliman. 3 Nephi 8:3 May ilang hindi naniwala na darating ang palatandaan. Nakipagtalo sila sa mga naniniwala. 3 Nephi 8:4 Isang araw, isang malakas na bagyo ang dumating. Nagkaroon ng kakila-kilabot na unos. 3 Nephi 8:5–6 Nagkaroon ng matatalim na mga kidlat, at pinayanig ng kulog ang buong mundo. 3 Nephi 8:6–7 Nasunog ang lungsod ng Zarahemla. Lumubog sa dagat ang lungsod ng Moroni. Natabunan ang lungsod ng Moronihas. 3 Nephi 8:8–10 Isang lindol ang nagpayanig sa buong mundo. Nawasak ang mga lansangan at gumuho ang mga lungsod. Maraming lungsod ang nawasak, at maraming tao ang namatay. 3 Nephi 8:12–15 Tumagal ang bagyo at lindol nang mga tatlong oras. 3 Nephi 8:19 Nang tumigil ang bagyo at lindol, isang makapal na kadiliman ang bumalot sa lupain. Walang liwanag saanmang dako. Halos madama ng mga tao ang kadiliman. 3 Nephi 8:19–20 Tumagal ang kadiliman nang tatlong araw. Ayaw sumindi ng mga kandila, at hindi makita ng mga tao ang araw, buwan, at mga bituin. 3 Nephi 8:21–23 Umiyak ang mga tao dahil sa kadiliman, pagkawasak, at kamatayan. Nalungkot sila na hindi sila nagsisi sa kanilang mga kasalanan. 3 Nephi 8:23–25 Pagkatapos ay narinig ng mga tao ang tinig ni Jesucristo. 3 Nephi 9:1, 15 Sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kakila-kilabot na pagkawasak sa lupain. Sinabi niya na namatay ang pinakamasasamang tao. 3 Nephi 9:12–13 Sinabi niya na ang mga hindi namatay ay kailangang magsisi. Kung gagawin nila ito at lalapit sa kanya, pagpapalain niya sila. 3 Nephi 9:13–14 Nanggilalas ang mga tao pagkatapos marinig ang tinig kung kaya’t tumigil sila sa pag-iyak. Naging tahimik ang lahat ng bagay sa loob ng maraming oras. 3 Nephi 10:1–2 Pagkatapos ay muling nagsalita si Jesus, na nagsasabing kaydalas niyang sinikap tumulong sa mga tao. Kung magsisisi na sila ngayon, maaari pa silang bumalik sa kanya. 3 Nephi 10:3–6 Pagkatapos ng tatlong araw, nawala ang kadiliman. Nagalak ang mga tao at naliligayahang nagpasalamat sa Panginoon. 3 Nephi 10:9–10