Mga Salitang Dapat Malaman
A
-
alipinmga taong pinipilit magtrabaho para sa ibang tao
-
anghelisang sugo mula sa Diyos
-
anitantapyasin ang anit ng ulo ng isang tao
B
-
balutiisang panakip na isinusuot ng mga kawal upang maprotektahan ang kanilang sarili sa digmaan.
-
bandila ng kalayaanang mensaheng isinulat ni Kapitan Moroni na humihikayat sa kanyang mga taong ipagtanggol ang kanilang kalayaan
-
basbasanbigyan ang isang tao ng isang bagay na ikabubuti niya. Ang pagbasbas sa sakramento ay ang manawagan sa Diyos na kanyang tanggapin ang tinapay at tubig bilang simbolo ni Jesucristo.
-
bata mahaba, at maluwang na kasuotan
-
batuhinpukulin ng bato ang isang tao hanggang siya ay mamatay
-
bilangguanisang lugar kung saan ikinukulong ang mga taong gumawa ng krimen
-
bingihindi makarinig
-
binyagisang ordenansa na kung saan ang isang tao na may awtoridad na galing sa Diyos ay maglulubog nang lubos sa isang tao sa tubig at pagkatapos ay mag-aahon rito. Kinakailangan ang binyag upang maging kasapi ng Simbahan ni Jesucristo
-
buhay na walang hangganang mabuhay sa piling ng Diyos magpakailanman
-
bulaghindi nakakikita
-
busogisang mahabang patpat na may tali sa magkabilang dulo at gamit upang maibunsod ang palaso
D
-
Dakilang Espiritupangalan ng Diyos ng mga Lamanita
-
dambanaisang sagrado, pinataas na lugar na tinambakan ng lupa o bato kung saan inaalay ang mga panlangin o hain sa Diyos
-
digmaanlabanan ng dalawang magkaaway o magkalabang hukbo
-
disipuloisang taong sumusunod kay Jesus at nagsisikap na maging katulad niya
-
diyus-diyosanisang bagay na sinasamba ng tao na hindi sa Diyos
E
-
ebanghelyomga turo ni Jesucristo
-
espadamahaba, gawa sa metal na talin na gamit na pamputol o panaksak
G
-
gabaraisang malaking bangka na gamit upang maglulan ng mga tao at panustos
-
gabay na bakalisang sagisag sa panaginip ni Lehi na kumakatawan sa salita ng Diyos
H
-
hariisang pinuno ng isang grupo ng tao
-
himalaisang hindi pangkaraniwang pangyayari o kaganapan na nagpapakita sa kapangyarihan ng Diyos
-
hukboisang pangkat ng mga sundalong handang lumaban
-
hukomisang pinuno na nagpapasiya kung ano ang kahulugan ng mga batas o kung paano ito susundin ng
-
hukumang-luklukanisang posisyon sa pamahalaan ng mga Nephita na hawak ng hukom
I
-
ilangisang palanas na bahagi ng lupain na walang mga lungsod o tao
-
ipako sa kruspagpatay sa pamamagitan ng pagpapako sa isang tao sa krus
K
-
kalasagbahagi ng baluti na nagpoprotekta sa itaas na bahagi ng katawan ng sundalo laban sa mga espada at iba pang sandata
-
kalayaanang pagkakaroon ng kakayahang makapili
-
kalayaanang pagkakaroon ng pagkakataong makapili
-
kapangyarihanisang puwersa ng mabuti o masama, kadalasan ay isang natatanging tulong o kalakasan mula sa Diyos
-
kapayapaanisang mapayapang damdamin o panahon na walang digmaan
-
kapitanpinuno ng isang hukbo
-
kasapiisang taong miyembro ng isang simbahan o grupo
-
kautusanisang bagay na ipinagagawa ng Diyos sa kanyang mga tao upang sila ay maging maligaya
-
kawalisang taong nakikipaglaban sa hukbong-sandatahan
L
-
lamina, mgamaninipis na piraso ng metal kung saan sumulat ang mga tao ng mga turo ng Diyos at mga kasaysayan ng mga tao
-
laminang ginto, mgaisang talaan na nakasulat sa maninipis na lamina na yari sa ginto. Itinago ang mga ito ni Moroni sa Burol ng Cumorah, at di-naglaon ay inilabas ni Joseph Smith.
-
laminang tanso, mgaisang talaan ng mga utos at pakikipag-ugnayan ng Diyos sa mga ninuno ni Lehi
-
langitlugar kung saan nakatira ang Ama sa Langit at si Jesucristo
-
lasingang pagkawala ng kontrol sa sarili dahil sa paginom ng sobrang alak
-
Liahonaisang bolang tanso na ibinigay ng Diyos sa mag-anak ni Lehi upang ipakita sa kanila kung saan dapat dumaan sa ilang. Gumagana lamang ito kapag ang mag-anak ni Lehi ay namumuhay nang mabuti.
-
lipulinganap na puksain o wasakin ang isang bagay, tulad ng isang lungsod o isang buhay
M
-
mabuhay na mag-ulibuhaying muli ang isang tao o isang bagay
-
mabutibagay na sa Diyos. Ang mga mabubuting tao ay ang mga sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.
-
mabuting balitamga balita ng pag-asa at pag-alo na mula sa Diyos
-
maghimagsikhindi sumunod o tumaliwas sa mga kautusan
-
magitingpagkaalam at pagtatanggol ng tama
-
magkasalalumabag sa kautusan
-
magnakawkumuha ng isang bagay na pagmamay-ari ng iba
-
magpatawadang kalimutan ang mga masasamang bagay na ginawa ng isang tao at mahalin siya
-
magpropesiyamaglarawan ng isang bagay bago ito mangyari
-
magsalinmagpalit ng mga salita mula sa isang wika tungo sa iba pang wika
-
magsisimalungkot dahil sa ginawa o sa naisip at mangakong hindi na ito uulitin muli
-
magtayogumawa ng isang bagay
-
makipagsabwatanmagpakana ng masamang plano laban sa isang tao
-
manalanginmakipag-usap sa Diyos, pagbibigay ng pasasalamat at paghingi ng mga pagpapala
-
maniwalamaramdaman o malaman na ang isang bagay ay totoo
-
mapagpakumbaba natuturuan at naghahangad na gawin ang kalooban ng Diyos
-
masamaisang bagay na hindi mabuti
-
masamaanuman na hindi sa Diyos. Ang isang masamang tao na nagmamahal kay Satanas at hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.
-
matapatpatuloy na pagsunod sa mga kautusan
-
maunawaanang malaman o maintindihan ang isang ideya
-
misyoneroisang taong nagtuturo sa iba ng ebanghelyo ni Jesucristo
O
-
ordenanbigyan ng kapangyarihan at awtoridad ng pagkasaserdote
-
ordenansaisang sagradong seremonya o gawain na may espirituwal na mga kahulugan, tulad ng binyag o sakramento
P
-
pag-aayunoang hindi pagkain o pag-inom ng tubig habang naghahangad ng espirituwal na tulong
-
pagalingingamutin ang taong maysakit o nasaktan
-
pagkaalipinhindi malaya, gumagawa nang buong araw para sa kapakanan ng iba
-
pagkasaserdoteang awtoridad upang kumilos sa pangalan ng Diyos
-
palasoisang sandata na may matulis na dulo na gamit sa pangangaso o digmaan
-
pambamboisang sandata na gamit na pamalo sa mga hayop o tao
-
panaginipisang kuwento na nagaganap sa isipan ng isang tao habang siya ay natutulog
-
pananampalatayaang maniwala kay Jesucristo
-
pangakopagsabi na gagawin ang isang bagay
-
pangitainisang uri ng paghahayag
-
parusahanpahintulutan na may mangyaring masama sa isang tao. Kadalasan ang mga tao ay pinarurusahan kapag hindi sila sumusunod sa Diyos.
-
patotooisang pakiramdam o saksi na ang ebanghelyo ay totoo
-
pinunoisang taong gumagabay sa isang grupo ng tao
-
propetaisang taong tinawag ng Diyos upang sabihin sa mga tao ang kalooban ng Diyos
-
punungkahoy ng buhayang punungkahoy sa panaginip ni Lehi na kumakatawan sa pag-ibig ng Diyos
-
puspos ng Espiritu Santoang sabihin ng Espiritu Santo sa isip at puso ng isang tao kung ano ang totoo
S
-
sakramentoisang ordenansa kung saan ang mga kalalakihang may pagkasaserdote ang nagbabasbas at namamahagi ng tinapay at tubig sa ibang tao. Nagpapaalala ang sakramento kay Jesucristo sa mga tao.
-
sakripisyomag-alay ng isang mahalagang bagay para sa Diyos
-
sandataisang bagay na gamit upang makasakit o makapatay ng ibang tao, tulad ng espada o sibat
-
sibatisang matalim, matulis na patpat na gamit upang panaksak
-
sinagogaisang uri ng gusali kung saan ang mga tao ay nagtitipon upang sumamba sa Diyos
-
sumamba mahalin nang lubos o sundin ang isang tao o bagay
-
sumapimaging bahagi ng isang grupo
-
sumunodgawin ang bagay na hinihiling o ipinag-uutos
T
-
tagapaglingkodtaong naglilingkod o nagtatrabaho para sa ibang tao na tulad ng hari
-
taggutomkakulangan sa pagkain na dulot ng hindi pagtubo ng mga tanim dahil sa hindi pagpatak ng pag-ulan
-
templobahay ng Diyos
-
tipanisang pangako sa pagitan ng Diyos at ng isang tao
-
tiradorisang sandata na ginagamit upang maihagis ang mga bato
-
toreisang mataas na gusali o entablado kung saan ang mga tao ay makatatayo
-
totooisang bagay na tunay na nangyari o mabuti o tama
-
tumakasmakawala sa isang tao
U
-
Urim at Tummimmga natatanging instrumento na ibinibigay ng Diyos sa mga propeta upang tulungan silang makapagsalin at makatanggap ng paghahayag
-
usiginang magsabi ng kasinungalingan tungkol sa isang tao upang subukan at saktan sila