Kabanata 9 Isang Bagong Tirahan sa Lupang Pangako Ang sasakyang-dagat na sinakyan ng mag-anak ni Lehi ay tumawid sa dagat at dumating sa lupang pangako. Nagtayo ang mga tao ng kanilang mga tolda. 1 Nephi 18:23 Inihanda nila ang lupa at tinamnan ng mga binhing dala nila. 1 Nephi 18:24 Habang naglilibot sila sa bago nilang lupain, nakatagpo sila ng maraming uri ng hayop. Nakatagpo rin sila ng ginto, pilak, at tanso. 1 Nephi 18:25 Sinabi ng Diyos kay Nephi na gumawa ng mga laminang metal upang mapagsulatan. Isinulat ni Nephi ang tungkol sa kanyang mag-anak at sa kanilang mga paglalakbay. Isinulat din niya ang mga salita ng Diyos. 1 Nephi 19:1,3 Tumanda si Lehi. Bago siya namatay, kinausap niya ang kanyang mga anak na lalaki at sinabi sa kanilang sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Binasbasan din niya ang kanyang mga apo. 2 Nephi 1:14, 16; 2 Nephi 4:3–11 Pagkamatay ni Lehi, nagalit sina Laman at Lemuel kay Nephi at ninais na patayin siya. Ayaw nila na si Nephi, ang kanilang nakababatang kapatid, ang kanilang maging pinuno. 2 Nephi 4:13; 2 Nephi 5:2–3 Sinabi ng Panginoon kay Nephi na pamunuan ang mga mabubuting tao patungo sa ilang. Naglakbay sila sa loob ng maraming araw at sa wakas ay tumigil sa isang lugar na tinawag nilang Nephi. 2 Nephi 5:5–8 Ang mga taong sumama kay Nephi ay sumunod sa Diyos. Nagtrabaho sila nang masigasig at nabiyayaan. Tinuruan ni Nephi ang kanyang mga tao na magtayo ng gusali sa pamamagitan ng paggamit ng kahoy at metal. Nagtayo sila ng isang magandang templo. 2 Nephi 5:10–11, 15–16 Ang mga alagad o tagasunod nina Laman at Lemuel ay tinawag na mga Lamanita. 2 Nephi 5:14 Ang mga Lamanita ay hindi sumunod sa Diyos at itinakwil mula sa Kanyang harapan. Ang Espiritu ng Panginoon ay hindi maaaring mapasakanila hangga’t hindi sila nagsisisi. 2 Nephi 5:20; Eter 2:15 Ang mga Lamanita ay puno ng kalokohan at madalas makipaglaban sa mga Nephita. 2 Nephi 5:24, 34