Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 47: Binasbasan ni Jesucristo ang Kanyang mga Disipulo


Kabanata 47

Binasbasan ni Jesucristo ang Kanyang mga Disipulo

Jesus with disciples

Isang araw, nang ang mga disipulo ay magkakasamang nag-aayuno at nananalangin, lumapit sa kanila si Jesucristo.

Christ talking to disciples

Tinanong siya ng mga disipulo kung ano ang ipapangalan nila sa Simbahan. Sinabi ni Jesus na dapat itong ipangalan sa kanya sapagkat sa kanya ang Simbahang ito.

Jesus talking to disciples

Ipinaliwanag ni Jesus sa kanyang mga disipulo na ipinadala siya sa lupa ng Ama sa Langit upang ibigay ang kanyang buhay sa lahat ng tao.

Christ speaking with disciples

Sinabi niya na ang bawat isa na nagsisisi, nabinyagan sa kanyang pangalan, at sumusunod sa kanyang mga kautusan ay ituturing na walang kasalanan sa harap ng Ama sa Langit.

Christ speaking with disciples

Sinabi ng Tagapagligtas sa mga disipulo na gawin ang mga bagay na nakita nilang ginawa niya. Ibinigay niya ang halimbawa para sa kanila.

Christ talking about scriptures

Sinabi rin niya sa kanila na isulat kung ano ang kanilang nakita at narinig upang malaman ang mga ito ng iba.

Christ with disciple

Tinanong ni Jesus ang kanyang mga disipulo kung ano ang nais nila sa kanya. Siyam sa kanila ang nagnais na makasama niya pagkatapos ng kanilang buhay sa lupa.

Jesus with disciples

Ipinangako ni Jesus sa kanila na pagdating nila ng 72 taong gulang, paroroon sila sa kanya sa langit.

Jesus with three disciples

Ang tatlo pang disipulo ay hindi humiling ng kung ano ang nais nila, ngunit alam ito ni Jesus. Nais nilang manatili sa lupa at magturo ng ebanghelyo hanggang sa bumalik si Jesus.

Savior with disciples

Ipinangako ng Tagapagligtas sa kanila na hindi sila makararamdam ng sakit o kalungkutan at kamatayan. Ituturo nila sa mga tao ang ebanghelyo hanggang sa kanyang pagbalik.

Jesus departing

Hinipo ni Jesus ang lahat ng disipulo maliban sa tatlo na mananatili sa lupa. Pagkatapos ay umalis na siya.

three disciples being taken to heaven

Ang tatlong disipulo ay napasalangit, kung saan sila ay nakakita at nakarinig ng maraming kamanghamanghang bagay. Higit nilang naunawaan ang mga bagay ng Diyos.

three disciples

Nagbagong-anyo ang kanilang katawan upang hindi sila mamatay.

disciples baptizing others

Bumalik ang tatlong disipulo sa lupa at nagsimulang mangaral at magbinyag.

three disciples in deep pit

Itinapon ng masasamang Nephita ang tatlong disipulo sa bilangguan at malalalim na hukay, ngunit tinulungan sila ng kapangyarihan ng Diyos na makatakas.

disciples being pushed into furnace

Nang ihagis sila sa mga hurno at mga lungga na may mababangis na hayop, iningatan din sila ng kapangyarihan ng Diyos.

disciples preaching to people

Nagpatuloy ang tatlong disipulo sa pangangaral ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga Nephita. Nangangaral pa rin sila ng kanyang ebanghelyo.