Kabanata 50 Nilisan ng mga Jaredita ang Babel Si Jared at ang kanyang kapatid na lalaki ay mabubuting mga tao na nakatira sa isang lungsod na tinatawag na Babel. Nabuhay sila ng daan-daang taon bago ang mga Nephita. Eter 1:33; Genesis 11:9 Masasama ang karamihan sa mga tao sa Babel. Nagtayo sila ng tore upang tangkain na makarating sa langit. Nagalit ang Panginoon at ginulo ang kanilang wika. Genesis 11:4, 7 Hiniling ni Jared sa kanyang kapatid na manalangin at hilingin sa Panginoon na huwag lituhin ang salita ng kanilang mga mag-anak at mga kaibigan. Eter 1:34 Nanalangin ang kapatid ni Jared, at tinugon ng Panginoon ang kanyang panalangin. Nauunawaan pa rin ni Jared, ng kanyang kapatid, at kanilang mga mag-anak at kaibigan ang isa’t isa. Eter 1:35–37 Sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared na tipunin ang kanyang mag-anak at mga kaibigan at lisanin ang lupain. Dinala nila ang kanilang mga hayop at lahat ng uri ng binhi. Eter 1:41–42 Sinabi ng Panginoon na gagabayan niya ang mga Jaredita patungo sa lupang pangako. Eter 1:42 Nanghuli ang mga Jaredita ng mga ibon at mga isda upang madala nila. Eter 2:2 Nagdala sila ng mga kuyog ng bubuyog. Eter 2:3 Naglakbay ang mga Jaredita patungo sa ilang. Nagsalita sa kanila ang Panginoon mula sa isang ulap at sinabi sa kanila kung aling daan ang kanilang babagtasin. Eter 2:5 Sinabi ng Panginoon na ang mga taong nakatira sa lupang pangako ay dapat na maglingkod sa Diyos o malilipol sila. Eter 2:7–8 Nang makarating ang mga Jaredita sa baybaying dagat, itinayo nila ang kanilang mga tolda. Nanatili sila sa tabi ng dagat sa loob ng apat na taon. Eter 2:13