Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 27: Si Korihor


Kabanata 27

Si Korihor

Korihor walking

Isang taong nagngangalang Korihor ang dumating sa Zarahemla. Hindi siya naniniwala kay Jesucristo at nangaral na ang sinabi ng mga propeta tungkol sa Tagapagligtas ay hindi totoo.

Korihor teaching people

Sinabi ni Korihor sa mga tao na hangal sila para maniwala na darating si Jesus sa lupa upang pagdusahan ang kanilang mga kasalanan.

boys sinning

Sinabi niya na hindi maaaring parusahan ang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan sapagkat wala nang buhay pagkamatay natin. Maraming tao ang naniwala kay Korihor. Naging masama sila.

Korihor

Tinangka ni Korihor na mangaral sa mga tao ni Ammon ngunit ayaw nilang makinig. Iginapos siya at dinala kay Ammon, na nagpalayas sa kanya mula sa lungsod.

Korihor being sent away

Pumunta si Korihor sa lupain ni Gedeon, ngunit ayaw ring makinig sa kanya ang mga tao roon. Ipinadala siya ng punong hukom kay Alma.

Alma and Korihor

Tinanong ni Alma si Korihor kung naniniwala siya sa Diyos. Sinabi ni Korihor na hindi. Nagpatotoo si Alma na may Diyos at darating si Cristo.

Korihor and Ammon

Nais ni Korihor na gumawa si Alma ng isang himala upang patunayan na may Diyos. Sinabi ni Korihor na maniniwala siya sa Diyos kung makakikita siya ng isang palatandaan ng kapangyarihan ng Diyos.

Alma holding scriptures

Sinabi ni Alma kay Korihor na nakakita na siya ng maraming palatandaan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at ng mga patotoo ng lahat ng propeta.

Alma talking to Korihor

Sinabi ni Alma na ang mundo at ang lahat ng bagay dito at ang pagkilos ng mga planeta sa langit ay mga palatandaan din na may Diyos.

Korihor and Alma

Hindi pa rin naniwala si Korihor. Nalungkot si Alma dahil sa kasamaan ni Korihor at binigyan siya ng babala na maaaring mapahamak ang kanyang kaluluwa.

Alma holding scriptures

Naghangad pa rin si Korihor ng palatandaan na magpapatunay na may Diyos. Sinabi ni Alma na ang palatandaan mula sa Diyos ay hindi na makapagsasalita si Korihor.

Korihor

Pagkatapos sabihin ni Alma ang ganito, hindi na nakapagsalita si Korihor.

Korihor writing in dirt

Isinulat ni Korihor na alam niyang ang palatandaang ito ay mula sa Diyos at alam niya noon pa man na may Diyos. Hiniling niya kay Alma na manalangin at alisin ang sumpa.

Alma speaking

Alam ni Alma na kung makapagsasalitang muli si Korihor, muli siyang magsisinungaling sa mga tao. Sinabi ni Alma na ang Panginoon ang magpapasiya kung muling makapagsasalita si Korihor.

Korihor begging for food

Hindi na ibinalik ng Panginoon kay Korihor ang kanyang kakayahang makapagsalita. Pumunta si Korihor at nagpalimos ng pagkain sa mga bahay-bahay.

chief judge writing letter

Nagpadala ng sulat ang punong hukom sa buong lupain na sinasabi kung ano ang nangyari kay Korihor. Sinabi niya sa mga naniwala kay Korihor na magsisi. Nagsisi ang mga tao.

Korihor dead on ground

Umalis si Korihor at nakitira sa mga Zoramita. Isang araw, habang siya ay namamalimos, niyapak-yapakan siya hanggang mamatay.