Pag-aaral ng Doktrina
Kalayaang Pumili at Pananagutan
Ang kalayaang pumili ay ang kakayahan at pribilehiyong ibinigay ng Diyos sa atin upang makapili at kumilos para sa ating sarili. Ang kalayaang pumili ay mahalaga sa plano ng kaligtasan. Kung walang kalayaang pumili, hindi natin magagawang matuto o umunlad o sundin ang Tagapagligtas. Kaakibat nito, tayo ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng dakilang Tagapamagitan ng lahat ng tao, o piliin ang pagkabihag at kamatayan, alinsunod sa pagkabihag at kapangyarihan ng diyablo” (2 Nephi 2:27).
Buod
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Ano ang Kalayaang Pumili?
Ang kalayaang pumili ay ang kakayahan at pribilehiyong ibinigay ng Diyos sa atin upang makapili at kumilos para sa ating sarili. Ang kalayaang pumili ay mahalaga sa plano ng kaligtasan. Kung walang kalayaang pumili, hindi natin magagawang matuto o umunlad o sundin ang Tagapagligtas. Kaakibat nito, tayo ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng dakilang Tagapamagitan ng lahat ng tao, o piliin ang pagkabihag at kamatayan, alinsunod sa pagkabihag at kapangyarihan ng diyablo” (2 Nephi 2:27).
Sa buhay bago tayo isinilang mayroon tayong kalayaang moral. Ang isang layunin ng buhay sa lupa ay ipakita kung ano ang ating mga pipiliin (tingnan sa 2 Nephi 2:15–16). Kung pipilitin tayong piliin ang tama, hindi natin maipapakita kung ano ang pipiliin natin para sa ating sarili. Gayundin, mas masaya tayong gawin ang mga bagay-bagay kapag tayo mismo ang nagpasiya.
Kalayaan ang isa sa pinakamahahalagang usaping tinalakay sa Kapulungan sa Langit. Isa ito sa mga pangunahing dahilan ng alitan sa pagitan ng mga tagasunod ni Cristo at ng mga tagasunod ni Satanas.
Sinabi ng Panginoon na lahat ng tao ay may pananagutan sa kanilang sariling motibo, pag-uugali, hangarin, at kilos. Kahit malaya tayong piliin ang ating gagawin, hindi naman tayo malayang piliin ang mga ibubunga niyon. Ang mga bunga, mabuti man o masama, ay resulta ng anumang pagpiling ginagawa natin (tingnan sa Galacia 6:7; Apocalipsis 22:12).
Mga Kaugnay na Paksa
-
Mga Espiritung Anak ng mga Magulang sa Langit
-
Satanas
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Mananagot, Pananagutan, May Pananagutan,” “Kalayaang Mamili”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe: Pananagutan, Kalayaang Pumili
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Karapatang Pumili at Pananagutan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Magasin ng Simbahan
Julie Cornelius-Huang, “Huwag Kalimutang Ipagdasal si Erik,” Liahona, Enero 2017
“Ang Bahaging Para sa Atin,” Liahona, Disyembre 2010
Marcos Fernando dos Santos, “Pagtulong sa mga Bata na Gamitin ang Kanilang Kalayaan,” Liahona, Disyembre 2010
“Ang Kalayaan ay Mahalaga sa Ating Walang Hanggang Pag-unlad,” Liahona, Hunyo 2010
Torsten König, “Pinili Kong Huwag Uminom,” Liahona, Hunyo 2010
“Ang Hardin sa Aking Panaginip,” Liahona, Marso 2010
“Mga Tanong at mga Sagot,” Liahona, Pebrero 2010
“Di-malilimutang mga Family Home Evening,” Liahona, Setyembre 2006