Ang Bahaging para sa Atin
Mga Pamantayan: Pasanin o Pagpapala?
Ang mga nagsasabi na paghihigpit ang mga pamantayan ng Simbahan ay malamang na may kilalang ilang miyembro ng Simbahan na pasanin ang tingin o turing sa mga pamantayan, hindi bilang kabutihan sa buhay. Kung nais mong malaman ng mga kaibigan mo na mga pamantayan mo ang dahilan kaya hindi ka nalulong sa bisyo, mamuhay ka nang maligaya at sikaping ipakita ang kagalakan sa pamamagitan ng malusog mong pangangatawan, isipan, at puso. Nagtuturo tayo sa pamamagitan ng halimbawa, hindi lamang sa salita. Ipakita sa kanila ang mga biyayang dulot ng mga pamantayan sa paraan ng paggamit mo ng iyong kalayaang piliin ang mabubuting bagay.
Patience O. (kanan), edad 19, France
Paghahanap ng Kaibigan
Noon pa man ay naniniwala na ako sa kapangyarihan ng panalangin. Nang una kaming lumipat sa Asia, kinailangan kong maghintay ng dalawang buwan para makapag-aral sa pagsisimula ng bagong semestre. Kahit masaya akong kapiling ang aking pamilya, ginusto kong magkaroon ng mabuting kaibigan na katulad ko ang mga pinaniniwalaan. Kalaunan ay nakilala ko ang lahat ng kapitbahay namin, at kahit kaedad ko ang ilan sa kanila, iba ang kanilang mga pamantayan.
Nang makapag-aral na ako, marami akong nakilalang mga batang kaedad ko at naging kaibigan ko ang ilan sa kanila. Minsan naghapunan kami sa labas ng ilang kaibigan ko. Pagkatapos kumain umalis na ang ilan sa mga kaibigan ko, pero may gusto pang gawin ang iba at nagpasiya silang mag-inuman. Inimbitahan nila ako, pero tumanggi ako. Mas lalo akong nalungkot. Umuwi ako nang gabing iyon at nagdasal na makatagpo ng isang mabuting kaibigan.
Pagkaraan ng ilang linggo muli kaming naghapunan sa labas ng ilang kaibigan ko, at nilinaw ko na hindi ako makikipag-inuman sa kanila. Pagkatapos ng hapunan nag-alisan na ang lahat para mag-inuman maliban sa isa. Nag-usap kami at natuklasan namin na pareho kami ng mga pamantayan—mga pamantayang pinili naming sundin.
Alam ko na laging sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin.
Jordan H., edad 17, Texas, USA
Ang Paborito Kong Banal na Kasulatan
Tuwing maaalala ko ang talatang ito, ipinapaalala ko sa sarili ko na kung gagawin ko ang bahagi ko sa mundong ito (na sundin ang mga kautusan ng Panginoon), gagantimpalaan ako ng mga kaloob na ipinangako sa akin ng Panginoon.
Roland D. (itaas), edad 17, Pangasinan, Philippines