2010
Komentaryo
Disyembre 2010


Komentaryo

Binabago ng Liahona ang mga Bagay

Gusto ko kayong pasalamatan sa mga mensahe sa Liahona buwan-buwan. Lubhang nakakatulong ang mga ito; tinutulungan ako nitong gawing mas maganda ang maghapon araw-araw. Kapag nanghihina ang loob ko at naiisip kong napakahirap ng buhay, nagbabasa ako ng isang mensahe mula sa Liahona at nagbabago ang lahat. Salamat sa lahat ng ginagawa ninyo—para sa akin at sa marami pang iba.

Edgar Celestino, Texas, USA

Pakikipag-ugnayan Online

Nabinyagan ako noong 1990 at palagi akong dumadalo sa mga miting ko sa Simbahan. Ngunit kamakailan ay ipinadala ako sa ibang bansa bilang tagapangalaga ng kapayapaan, at sa ngayon ay hindi ako nakakadalo sa anumang mga miting. Ang paraan ko para manatiling nakaugnay sa Simbahan ay magbasa ng mga magasin online. Napakalaking inspirasyon nito sa akin. Nadarama ko nang matindi ang Espiritu habang binabasa ko ang mga salita ng ating propeta at iba pang mga lider ng Simbahan. Hindi ako nakakabahagi ng sacrament, ngunit alam ko na nauunawaan ng Ama sa Langit ang aking sitwasyon. Salamat sa mga magasin online.

Olukunbi Orimoloye, Nigeria

Mangyaring ipadala ang inyong komentaryo o mga mungkahi sa liahona@ldschurch.org. Ang mga isinumite ay maaaring i-edit para umakma ang haba o mas luminaw pa.

Panawagan para sa mga Artikulo

Ang pagdiriwang ba ninyo ng Pasko ay hindi umayon sa gusto o plano ninyo? Maaaring kayo ay nagkasakit, nagdalamhati sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay, nasa military, nag-aaral sa malayo, o nawalay sa pamilya at mga kaibigan. Paano ninyo ipinagdiwang ang Tagapagligtas at Kanyang pagsilang sa gayong mga sitwasyon? Mangyaring limitahan ang inyong karanasan sa 500 salita, pamagatan itong “Christmas Celebrations,” at ipadala sa liahona@ldschurch.org.