2010
Pinag-uugnay ng Bagong Disenyo ng Mormon.org ang mga Miyembro at Investigator
Disyembre 2010


Pinag-uugnay ng Bagong Disenyo ng Mormon.org ang mga Miyembro at Investigator

Simula nang ilunsad ito noong 2001, nakatulong na ang Mormon.org na makakuha ng malinaw at matapat na mga sagot ang mga tao sa kanilang mga tanong tungkol sa Simbahan. Ang mga sagot na iyon ay nagmula unang-una sa sa headquarters ng Simbahan.

Ang pinakabagong update sa Mormon.org—kabilang na ang kumpletong bagong disenyo—ay nagbibigay pa rin ng maraming sagot at ng isang paraan para makontak ang mga misyonero. Ngunit ngayon, salamat sa tampok na bagong online profile, maraming sagot ang nanggagaling mismo sa mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ang mga bumibisita sa bagong site—na makikita na sa iba pang mga wika maliban pa sa Ingles sa kalagitnaan ng 2011—ay maibubukud-bukod ang libu-libong member profile ayon sa kasarian, edad, pinagmulang bayan, relihiyon, at iba pang kategorya para mahanap ang mga miyembro ng Simbahan na katulad nila. Kapag nasa profile page na, maaaring mabasa ng mga gumagamit ang mga patotoo, magtanong ng iba pa, at sa ilang pagkakataon, makipag-ugnayan sa mga miyembro ng Simbahan sa mga social networking Web site. Ang pakikipag-ugnayan sa kaedad ay nagtutulot sa mga investigator na makuha ang mga di-opisyal na opinyon ng Simbahan.

“Kapag nagsaliksik ang mga tao sa Internet para makakuha ng impormasyon, mas nagtitiwala sila sa mga opinyon ng mga kaedad nila kaysa sinasabi ng isang organisasyon tungkol sa sarili nito, lalo na pagdating sa organisadong relihiyon,” sabi ni Elder Richard G. Hinckley, Executive Director ng Missionary Department. “Iyan ang dahilan kaya ang mga member profile ay napakahalagang bahagi ng bagong Mormon.org.”

Ang bagong Mormon.org ay hinati sa apat na pangunahing bahagi, na bawat isa ay nakatuon sa pagtuturo tungkol sa isang partikular na aspeto ng Simbahan: Our People [Aming mga Tao], Our Values [Aming mga Pinahahalagahan, Our Faith [Aming Pananampalataya], at Frequently Asked Questions [Mga Bagay na Madalas Itanong].

Our People [Aming mga Tao]

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga member profile, na nagtutulot sa mga investigator na matuto pa tungkol sa ebanghelyo sa “pakikipag-ugnayan” sa mga may patotoo na tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo.

“Ang isang bagay na nakakatulong sa mga tao na maalis ang mga maling akala tungkol sa Simbahan ay kung nagkaroon na sila ng pagkakataong makilala ang isang Mormon,” sabi ni Ron Wilson, manager ng Internet at marketing para sa Missionary Department. “Nalalaman nila na ang mga negatibong bagay na naririnig nila tungkol sa Simbahan ay hindi tugma sa pamumuhay ng mga kaibigan nilang Mormon.”

Our Values [Aming mga Pinahahalagahan]

Itinuturo ng bahaging Our Values ang ginagawa ng mga miyembro bunga ng kanilang mga paniniwala. Ipinaliliwanag nito ang ilang prayoridad ng Simbahan, kabilang na ang pagtulong sa tao, mga pamilya, edukasyon, paglilingkod, at family history. Ang bahaging ito ay makakatulong sa mga investigator na iugnay ang doktrina ng Simbahan sa pamumuhay ng mga miyembro.

Our Faith [Aming Pananampalataya]

Ipinaliliwanag ng bahaging Our Faith ang mga pangunahing doktrina ng Simbahan. Lahat ng nasa bahaging ito ng site ay masasagot ang tanong na, “Ano ang paniniwala ng mga Mormon?” Ang bahaging ito ay nagbibigay rin ng paliwanag para sa iba pang bahagi ng site. Malalaman ng mga bumibisita sa site ang ating pananampalataya kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas, ang Panunumbalik ng ebanghelyo, si Joseph Smith, ang plano ng kaligtasan, ang Aklat ni Mormon, at iba pang mga paksa.

Mga Bagay na Madalas Itanong

Nililikha ng mga miyembro ng Simbahan ang nilalaman ng bahaging ito sa pagsagot sa mga tanong sa kanilang personal profile. Sinasagot nila ang mga FAQ sa sarili nilang mga salita, na nakakatulong sa mga bumibisita na makaalam tungkol sa Simbahan mula sa mga miyembro nito.

Makikita na ang bagong disenyo ng Mormon.org sa mga karagdagang wika sa kalagitnaan ng 2011.