2010
Mga Balita tungkol sa Templo
Disyembre 2010


Mga Balita tungkol sa Templo

Inilaan ang Vancouver Temple

Inilaan ni Pangulong Thomas S. Monson ang ika-131 templo ng Simbahan sa labas lang ng Vancouver, British Columbia, noong Mayo 2, 2010. Halos 40,000 katao ang dumating sa templo sa pampublikong open house, na idinaos dalawang buwan matapos ang 2010 Winter Olympic Games sa Vancouver. Ang Vancouver British Columbia Temple ay maglilingkod sa mga miyembro sa British Columbia at hilagang Washington, USA. Ang Simbahan ngayon ay may walong nakaplano o nagagamit na templo sa Canada.

Inilaan ang Gila Valley Arizona Temple

Inilaan ni Pangulong Thomas S. Monson ang The Gila Valley Arizona Temple noong Mayo 23, 2010, sa tatlong sesyon. Ang templo ay naglilingkod sa mga miyembro sa timog-silangang Arizona at timog-kanlurang New Mexico. Ang templo ay nasa timog-silangang Arizona, hindi kalayuan sa lugar na kinalakhan ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985). Ang The Gila Valley Temple ang ikatlong templo sa Arizona, at dalawa pa (Gilbert Arizona at Phoenix Arizona) ang ibinalitang itatayo.

Inilaan ang Cebu City Temple

Inilaan ni Pangulong Thomas S. Monson ang ikalawang templo sa Pilipinas noong Hunyo 13, 2010. Ang Cebu City Philippines Temple ay nasa layong mga 350 milya (563 km) mula sa Manila Philippines Temple. Ang templo ay maglilingkod sa mahigit 200,000 miyembro sa Visayas at Mindanao. Mahigit 45,000 katao ang dumalo sa dalawang linggong pampublikong open house. Sa gabi bago ang paglalaan, mahigit 3,000 kabataan ang nagtanghal sa isang kaganapang pangkultura.

Groundbreaking sa Brigham City, Utah

Ang groundbreaking para sa Brigham City Utah Temple ay idinaos noong Sabado, Hulyo 31, 2010, alas-9:00 n.u. Si Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, ang nangulo sa groundbreaking, na ibrinodkast sa mga stake center sa buong temple district. Ibinalita ang pagtatayo ng Brigham City Utah Temple sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 3, 2009. Ito ang ika-14 na magagamit na templo ng Simbahan sa Utah.

Inilaan ang Kyiv Temple

Ang Kyiv Ukraine Temple ay inilaan noong Agosto 29, 2010, sa tatlong sesyong brodkast sa buong temple district. Naganap ang pampublikong open house mula Agosto 7 hanggang 21, sa kultural na pagdiriwang noong Agosto 28. Ibinalita ang pagpapatayo sa templo noong Hulyo 20, 1998. Nagsimula ang pagtatayo noong Hunyo 23, 2007. Ito ang unang templo ng Simbahan sa Eastern Europe at ang ika-11 sa kontinente ng Europe. Ang Kyiv Temple ay naglilingkod sa mga miyembro sa 13 bansa.

Muling Inilaan ang Laie Temple

Matapos ang malawakang renobasyon, muling inilaan ang Laie Hawaii Temple sa tatlong sesyon noong Nobyembre 21, 2010, kasunod ng pampublikong open house mula Oktubre 22 hanggang Nobyembre 13 at kultural na pagdiriwang noong Nobyembre 20. Ang muling paglalaan ay ibinrodkast sa mga district ng Laie at Kona Temple. Ang templo ang ikalimang templo ng Simbahan, na inilaan ni Pangulong Heber J. Grant noong 1919 at muling inilaan ni Pangulong Spencer W. Kimball noong 1978.

Ang Kyiv Ukraine Temple ay inilaan noong Agosto 29, 2010.

Larawang kuha ni Weston C. Colton