Library
Pinili si Jesucristo bilang Tagapagligtas


larawan ni Jesucristo at ng Ama sa Langit

Pag-aaral ng Doktrina

Pinili si Jesucristo bilang Tagapagligtas

Buod

Nang ilahad sa atin ang plano para sa ating kaligtasan sa daigdig ng mga espiritu bago tayo isinilang, napakasaya natin kaya’t naghiyawan tayo sa galak (tingnan sa Job 38:7). Naunawaan natin na kailangan nating lisanin nang ilang panahon ang ating tahanan sa langit. … Habang malayo tayo, lahat tayo ay magkakasala at ilan sa atin ay maliligaw ng landas. Alam ng ating Ama sa Langit na mangangailangan tayo ng tulong, kaya nagplano Siya ng paraan para tulungan tayo.

Kailangan natin ng isang Tagapagligtas para magbayad ng ating mga kasalanan at magturo sa atin kung paano bumalik sa ating Ama sa Langit. Sinabi ng ating Ama, “Sino ang isusugo ko?” (Abraham 3:27). Si Jesucristo, na tinawag na Jehova, ay nagsabing, “Narito ako, isugo ako” (Abraham 3:27; tingnan din sa Moises 4:1–4).

Si Jesus ay handang pumarito sa mundo, ibigay ang Kanyang buhay para sa atin, at akuin sa Kanyang sarili ang ating mga kasalanan. Nais Niya, tulad ng ating Ama sa Langit, na mamili tayo kung susundin natin ang mga kautusan ng Ama sa Langit. Alam Niya na kailangan tayong maging malaya sa pagpili para mapatunayan na karapat-dapat ang ating sarili sa kadakilaan. Sinabi ni Jesus, “Ama, masusunod ang inyong kalooban, at ang kaluwalhatian ay mapasainyo magpasawalang hanggan” (Moises 4:2).

Si Satanas, na tinawag na Lucifer, ay sumagot din, at nagsabing, “Masdan, naririto ako, isugo ninyo ako, ako ang magiging inyong anak, at aking tutubusin ang buong sangkatauhan, upang wala ni isa mang katao ang mawala, at tiyak na akin itong magagawa; kaya nga, ibigay ninyo sa akin ang inyong karangalan” (Moises 4:1). … Sa plano ni Satanas, hindi tayo papayagang makapili. Aalisin niya ang kalayaang pumili na ibinigay sa atin ng ating Ama. Gusto ni Satanas na mapasakanya ang lahat ng karangalan para sa ating kaligtasan. Sa kanyang panukala o mungkahi, nabigo sana ang layunin natin sa pagparito sa mundo (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: David O. McKay [2003], 236).

Matapos marinig ang sinabi ng dalawang anak, sinabi ng Ama sa Langit, “Aking isusugo ang una” (Abraham 3:27).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Jesucristo

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Liahona, Mayo 2017

Mga Magasin ng Simbahan

Michael R. Morris, “Bakit Mahalaga si Jesucristo sa Buhay Ko?Liahona, Enero 2015

Ang Banal na Misyon ni Jesucristo: Tagapagligtas at Manunubos,” Liahona, Abril 2014

Si Jesucristo ang Ating Tagapagligtas,” Liahona, Marso 2013

Ana Maria Coburn at Cristina Franco, “Si Jesucristo ang Aking Tagapagligtas at Manunubos,” Liahona, Abril 2011

Si Jesucristo ang Sentro sa Plano ng Ama sa Langit,” Liahona, Pebrero 2010

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media