“Birth of Jesus Christ [Pagsilang ni Jesucristo],” Gospel Principles [Mga Alituntunin ng Ebanghelyo] (2023)
Gabay sa Pag-aaral ng Ebanghelyo
Pagsilang ni Jesucristo
“Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki”
Ang pagdiriwang ng pagsilang ni Jesus tuwing Kapaskuhan ay nagpapaalala sa atin kung gaano talaga kahalaga ang kuwento ng Pagsilang ni Jesus. Bagama’t wala tayong gaanong alam tungkol sa mga kalagayan ng pagsilang ni Jesus, alam natin ang mahimalang mga palatandaan at kababalaghang ibinigay at ang mga taong nagpatotoo na ang Anak ng Diyos ay pumarito sa lupa. Mag-iibayo ang iyong pasasalamat at pagmamahal kay Jesucristo kapag pinagsikapan mong alamin ang tungkol sa sagradong pangyayaring ito.
Bahagi 1
Matutuhan ang tungkol sa Pagsilang ni Jesucristo sa pamamagitan ng mga Sinaunang Propesiya
Ang bawat propeta mula noong panahon ni Adan ay nagpatotoo tungkol kay Jesucristo at umasam nang may malaking pagtitiwala sa panahong darating ang Mesiyas at gagawing posible ang kaligtasan at buhay na walang hanggan para sa buong sangkatauhan. “Nakita ni Enoc ang araw ng pagparito ng Anak ng Tao, maging sa laman; at ang kanyang kaluluwa ay nagsaya” (Moises 7:47). Ipinropesiya ni Isaias, “Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki” (Isaias 9:6). Nakita ni Nephi sa isang pangitain si Maria at ang pagsilang ng ipinangakong Mesiyas (tingnan sa 1 Nephi 11:13–23). Pinatotohanan ni Abinadi, “Ang Diyos din ay bababa sa mga anak ng tao, at tutubusin ang kanyang mga tao” (Mosias 15:1). Kapag pinag-aralan mo ang mga propesiya at mga turo tungkol sa Kanyang pagsilang, makikita mo kung gaano kahalaga para sa Diyos Ama na isugo ang Kanyang Anak na si Jesucristo sa lupa.
Mga bagay na pag-iisipan
-
Nagpatotoo ang mga propeta na ang mga dakilang palatandaan at kababalaghan ay hudyat ng pagsilang ni Jesucristo sa mga tao sa Aklat ni Mormon. Basahin ang Helaman 14:1–9 at 3 Nephi 1:4–22. Bakit hindi pinaniwalaan ng napakaraming tao ang mensahe ng mga propeta? Ano ang katibayan mo na si Jesucristo ay buhay ngayon at tumutulong nang may pagmamahal sa lahat ng anak ng Diyos?
Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba
-
Panoorin ang video na “Why We Need a Savior” (2:15). Sama-samang pag-usapan ang tungkol sa tanong na “Ano kaya ang buhay kung walang Tagapagligtas?” Maaari din ninyong talakayin kung bakit dapat patuloy na naghahatid ng malaking kagalakan at kapayapaan sa mundo ang mensahe ng pagsilang ni Jesus.
Alamin ang iba pa
-
Dallin H. Oaks, “Mga Pahayag ng Propeta tungkol sa Pagsilang ni Cristo” (Pamaskong Debosyonal ng Unang Panguluhan, Dis. 4, 2016), Gospel Library
Bahagi 2
Nagpatotoo ang mga Saksi na Isinilang ang Tagapagligtas
Dahil ang pagsilang ni Jesucristo ay isa sa pinakamahahalagang pangyayari sa kasaysayan, naghanda ang Diyos ng maraming saksi upang patotohanan ito, kapwa bago at matapos itong mangyari. Ang ilan sa mga saksing ito ay ang anghel na si Gabriel (Lucas 1:26–33), si Maria (Lucas 1:46–49), pinsan ni Maria na si Elizabeth (Lucas 1:41–45), ang mga pastol (Lucas 2:16–17), si Simeon (Lucas 2:25–33), Ana (Lucas 2:36–38), at ang Mga Pantas na Lalaki mula sa silangan (Mateo 2:1–2, 9–11).
Mga bagay na pag-iisipan
-
Basahin ang mensahe sa Pasko ni Pangulong Russell M. Nelson noong 2020, “Mga Banal na Regalo,”1 at alamin ang ilan sa mahahalagang simbolo na nauugnay sa pagsilang ni Jesucristo. Ano ang maituturo sa iyo ng mga simbolong ito tungkol sa mortal na misyon ni Jesucristo?
Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba
-
Magkakasamang panoorin ang The Christ Child (17:56). Pagkatapos ay talakayin ang tanong na “Ano ang nadarama natin tungkol sa pagsilang ni Jesucristo kapag pinag-iisipan natin ang papel na ginagampanan ng mahalagang pangyayaring iyon sa plano ng Diyos para sa ating kaligtasan?” Kung nag-aaral ka kasama ang mga bata, ipadrowing sa kanila ang paborito nilang tagpo sa pelikula. Hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iniisip tungkol sa pagsilang ni Jesucristo.
Alamin ang iba pa
-
Dieter F. Uchtdorf, “Seeing Christmas through New Eyes” (First Presidency Christmas devotional, Dis 5, 2010), Gospel Library
-
Bonnie L. Oscarson, “Christmas Is Christlike Love” (First Presidency Christmas devotional, Dis. 7, 2014), Gospel Library; matatagpuan ang video sa ChurchofJesusChrist.org/media
-
Annual First Presidency Christmas devotionals, 2010 hanggang sa Kasalukuyan
Bahagi 3
Ang Pag-aaral ng tungkol sa Pagsilang ni Jesus ay Mas Naglalapit sa Atin sa Kanya
Ipinaliwanag ni Pangulong Ezra Taft Benson: “Dahil sa mga patotoo ng mga itinalagang saksi, walang pagdududa tungkol sa ama ni Jesucristo. Ang Diyos ay ang Ama ng Kanyang pisikal na katawan, at si Maria, isang mortal na babae, ang Kanyang ina. … Siya ay hindi anak ni Jose, at hindi rin Siya anak ng Espiritu Santo. Siya ang Anak ng Amang Walang Hanggan!”2
Si Jesucristo ay tinawag na Bugtong na Anak dahil Siya lang ang Anak ng Ama na isinilang sa laman (tingnan sa 1 Nephi 11:13–22). Ipinadala Siya rito upang gawin ang kalooban ng Kanyang Ama—upang magbayad-sala para sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan (tingnan sa Juan 3:16–17).
Mga bagay na pag-iisipan
-
Ang plano ng Diyos na iligtas ang Kanyang mga anak ay nangailangan ng isang “walang katapusan at walang hanggang hain” na hindi paghahain ng anumang hayop o tao. Ang hain na kinakailangan dito ay ang Anak ng Diyos. (Tingnan sa Alma 34:9–14.) Ano ang alam natin tungkol sa likas na katangian ng pagsilang ni Jesucristo na naging dahilan para maisakatuparan Niya ang “walang katapusan at walang hanggang hain” na kinakailangan sa plano ng Diyos? Hindi inihayag ng Ama sa Langit ang proseso kung paano Niya naging Bugtong na Anak sa lupa si Jesus; ang nalalaman lamang natin ay ang nakasaad sa banal na kasulatan—halimbawa, sa Mateo 1:18–25; Lucas 1:26–35; Mosias 15:1–3; at Alma 7:9–10.
-
Sa kanyang mensaheng “The Wondrous and True Story of Christmas,” sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Hindi magkakaroon ng Pasko kung walang Pasko ng Pagkabuhay. Ang sanggol na si Jesus ng Bethlehem ay magiging isang pangkaraniwang sanggol kung wala ang tumutubos na Cristo sa Getsemani at sa Kalbaryo, at ang matagumpay na katotohanan ng Pagkabuhay na Mag-uli. … Hinihiling ko sa inyo ang isang panahon, marahil isang oras lamang, na gugulin sa matahimik na pagmumuni-muni at pagbubulay-bulay ng kadakilaan at kamarhalikaan nito, ang Anak ng Diyos.”3 Bakit mahalagang iugnay ang pangyayari sa Bethlehem sa mga pangyayari sa Getsemani at Kalbaryo?
Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba
-
Maraming kultura ang nagdiriwang ng pagsilang ni Cristo sa tradisyon ng pagbibigay ng mga regalo. Rebyuhin ang ilan sa mga regalong binigyang-diin ni Pangulong Russell M. Nelson sa kanyang mensaheng “Ang Apat na Regalong Inihahandog ni Jesucristo sa Inyo.”4 Itanong, “Ano ang ilang regalo mula kay Jesucristo na nakagawa ng kaibhan sa inyong buhay?”
Alamin ang iba pa
-
“Si Jesucristo ang Bugtong na Anak ng Diyos,” Liahona, Dis. 2010, 14–15
-
“To This End Was I Born” (video), ChurchofJesusChrist.org
-
“Glad Tidings of Great Joy: The Birth of Jesus Christ” (video), ChurchofJesusChrist.org
-
“Ang Pagsilang ni Jesucristo: ‘Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan’” Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Fielding Smith (2013), 351–58