Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sina Abraham at Isaac


“Sina Abraham at Isaac,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Sina Abraham at Isaac,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Genesis 17; 21–22

Sina Abraham at Isaac

Isang ama, isang anak na lalaki, at isang sakripisyo

sina Abraham, Sara, at isang sanggol

Sina Abraham at Sara ay nagkaroon ng anak na lalaki, tulad ng ipinangako ng Panginoon. Pinangalanan nila itong Isaac.

Genesis 17:9; 21:1–3

si Abraham na nagtuturo kay Isaac

Mahal nila si Isaac. Tinuruan nila ito na piliin ang tama at magtiwala sa Panginoon.

Genesis 21:8

nakatingin sina Sara at Abraham kay Isaac

Nangako ang Panginoon kina Abraham at Sara na sa pamamagitan ni Isaac ang kanilang pamilya ay lalago upang pagpalain ang buong mundo. Ngunit isang araw ay sinabi ng Panginoon kay Abraham na dalhin si Isaac sa Bundok Moria at ialay si Isaac.

Genesis 17:1–8; 22:1–2

naglalakbay sina Abraham at Isaac

Sa kanilang pag-akyat sa bundok, itinanong ni Isaac kung nasaan ang korderong isasakripisyo. Sinabi ni Abraham na magkakaloob ang Panginoon.

Genesis 22:4–8

nagtatayo sina Abraham at Isaac ng isang dambana

Sa Bundok Moria, nagtayo si Abraham ng dambana at naglagay ng kahoy sa ibabaw nito.

Genesis 22:8–9

naghahanda si Abraham na isakripisyo si Isaac

Alinsunod sa utos ng Panginoon, hiniling ni Abraham kay Isaac na humiga sa dambana. Nagtiwala si Isaac kay Abraham tulad ng pagtitiwala ng Tagapagligtas na si Jesucristo sa Kanyang Ama.

Genesis 22:9

anghel na nagpapakita kina Abraham at Isaac

Nang iaalay na ni Abraham si Isaac, pinigilan siya ng isang anghel ng Panginoon. Nagpakita si Abraham ng pananampalataya sa Panginoon. Alam ni Abraham na palagi niyang susundin ang Panginoon.

Genesis 22:10–12

tupang napasabit sa palumpong

Tumingala si Abraham at nakita ang isang tupang napasabit sa palumpong. Ipinagkaloob ng Panginoon ang tupa para maging sakripisyo.

Genesis 22:13

sina Abraham at Isaac na nakatingala sa langit

Natutuhan nina Abraham at Isaac kung paano iaalay ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo bilang sakripisyo. Nagtiwala ang Panginoong Jesucristo kay Abraham dahil sumunod ito. Nagtiwala si Abraham sa pangako ng Panginoon na balang araw ay lalago ang kanyang pamilya nang higit pa sa dami ng mga bituin sa langit.

Genesis 22:17–18; Jacob 4:5