“Si Moises at ang Ahas na Tanso,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Moises at ang Ahas na Tanso,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Si Moises at ang Ahas na Tanso
Pagkatutong manampalataya sa Panginoon
Habang naglalakbay ang mga Israelita sa ilang, madalas silang makalimot sa Panginoon at dumaing. Nagsugo ang Panginoon ng mga ahas upang tulungan silang magpakumbaba at alalahanin Siya. Tinuklaw ng mga ahas ang mga tao, at marami sa mga tao ang namatay.
Hindi naglaon ay nagsisi ang mga tao. Hiniling nila kay Moises na manalangin siya na paalisin ng Panginoon ang mga ahas. Hindi pinaalis ng Panginoon ang mga ahas. Ngunit gumawa Siya ng paraan upang maligtas ang mga taong natuklaw.
Sinabihan ng Panginoon si Moises na gumawa ng ahas na yari sa tanso at ipatong ito sa isang tikin. Nang ang mga taong natuklaw ay tumingin sa ahas na tanso, iniligtas sila ng Panginoon. Tinulungan ng Panginoon ang mga Israelita na maging mapagpakumbaba at magtiwala sa Kanya.