“Sina Shadrac, Meshac, at Abednego,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Sina Shadrac, Meshac, at Abednego,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Daniel 1; 3
Sina Shadrac, Meshac, at Abednego
Isang mapanganib na pagsubok ng pananampalataya
Gumawa si Haring Nebukadnezar ng isang higanteng ginintuang estatwa at pinilit ang kanyang mga tao na sambahin ito. Kapag tumanggi sila, itatapon sila sa isang hurno ng apoy.
Ang mga kaibigan ni Daniel na sina Shadrac, Meshac, at Abednego ay nagmamahal sa Diyos at hindi sasamba sa huwad na diyos ng hari. Nagalit ang hari sa kanila.
Sinabi ng tatlong Israelita sa hari na tanging ang Diyos lamang ang kanilang sasambahin. Naniwala silang poprotektahan sila ng Diyos. Ngunit kahit hindi Niya sila iligtas, paninindigan nila ang kanilang pinaniniwalaan.
Nagalit ang hari kina Shadrac, Meshac, at Abednego. Ipinatapon niya ang mga ito sa hurno ng apoy. Ngunit nang tiningnan ng hari ang hurno, nagulat siyang makita ang makalangit na nilalang na nasa apoy kasama ang tatlong lalaki. Hindi sila nasaktan ng apoy.
Tinawag ng hari sina Shadrac, Meshac, at Abednego, at lumabas sila sa hurno. Sila ay hindi nasaktan ng apoy ni hindi man lang nasunog ang kanilang mga damit.
Sinunod nina Shadrac, Meshac, at Abednego ang mga utos ng Diyos, kahit noong nanganib ang kanilang buhay. Ang kanilang halimbawa ay nakatulong sa hari na maniwala sa Diyos.