Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Josue


“Ang Propetang si Josue,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Propetang si Josue,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Deuteronomio 10; 3134; Josue 1; 3–6; 10–11; 2124

Ang Propetang si Josue

Huling pagsubok bago pumasok sa lupang pangako

nananalangin si Josue

Tinawag ng Panginoon si Josue na maging bagong propeta matapos dalhin sa langit ang propetang si Moises. Habang nagkakampo ang mga Israelita malapit sa Ilog Jordan, sinabi ng Panginoon na panahon na upang lumipat sila sa lupang pangako.

Deuteronomio 34:1–9; Josue 1:1–4; Alma 45:19

masasamang tao sa Canaan

Ang lupang pangako ay nasa Canaan, ngunit masasamang tao ang nakatira roon. Sinabihan ng Panginoon si Josue na magpakalakas at magpakatapang. Sa tulong ng Panginoon, maaaring masakop ng mga Israelita ang lupain ng Canaan.

Josue 1:1–9

mga Israelita sa Ilog Jordan

Nagtipon si Josue ng isang hukbo. Sinabihan sila ng Panginoon na dalhin ang mga tapyas na bato ng Sampung Utos at ang iba pang mga banal na kasulatan. Inilagay ng mga saserdote ang mga sagradong bagay na ito sa isang kahon na tinatawag na kaban ng tipan. Pagkatapos ay naghanda ang hukbo na tawirin ang Ilog Jordan. Malalim ang ilog at malakas ang agos nito.

Deuteronomio 10:5; 31:25–26; Josue 1:10–11; 3:1–11

ang propetang si Josue

Nangako si Josue sa mga Israelita na tutulungan sila ng Panginoon na tawirin ang ilog.

Josue 3:10–13

nahahawi ang tubig sa may paanan

Hiniling ni Josue sa 12 saserdote na kunin ang kaban ng tipan at maglakad sa tubig. Pagkalusong ng mga saserdote sa ilog, nahawi ang tubig.

Josue 3:12–17

binubuhat ng mga Israelita ang kaban ng tipan sa ibabaw ng tuyong ilog, nagtitipon naman ng mga bato ang ilan

Tinawid ng mga Israelita ang ilog sa ibabaw ng tuyong lupa. Hiniling ni Josue sa mga Israelita na kumuha ng 12 bato mula sa tuyong ilog. Isinalansan niya ang mga bato upang ipaalala sa mga Israelita ang himala ng Panginoon noong araw na iyon.

Josue 3:17; 4:1–24

nagmamartsa ang mga Israelita papunta sa lungsod

Pinamunuan ni Josue ang hukbo ng Israel papunta sa lupain ng Canaan. Dumating sila sa isang lungsod na tinatawag na Jerico. Ang lungsod ay napakalakas at may matataas na pader. Sinabi ng Panginoon kay Josue kung paano masasakop ang Jerico. Sinabi niya na dapat araw-araw na magmartsa ang mga Israelita sa paligid ng Jerico sa loob ng anim na araw. Sumunod si Josue sa Panginoon.

Josue 5:13–15; 6:1–5

binubuhat ng mga saserdote ang kaban ng tipan, hinihipan naman ng iba ang mga tambuli

Sinabihan ni Josue ang mga saserdote na buhatin ang kaban ng tipan sa harapan ng mga Israelita. Araw-araw, nagmamartsa ang hukbo sa paligid ng Jerico, at hinihipan ng pitong saserdote ang kanilang mga tambuli. Ang lahat ng iba pang Israelita ay tahimik lamang.

Josue 6:6–14

sumisigaw ang mga Israelita, bumabagsak ang pader

Pagsapit ng ikapitong araw, pitong beses na nagmartsa ang hukbo sa paligid ng Jerico. Habang hinihipan ng mga saserdote ang kanilang mga tambuli, sinabihan ni Josue ang mga Israelita na sumigaw. Biglang bumagsak sa lupa ang mga pader ng Jerico, at sinakop ng hukbo ni Josue ang lunsod.

Josue 6:15–16, 20

nakikipag-usap si Josue sa mga tao sa lunsod

Tinulungan ng Panginoon ang mga Israelita, tulad ng ipinangako Niya. Patuloy na sinakop ng hukbo ni Josue ang lupain ng Canaan, at nagsimulang manirahan doon ang mga Israelita. Ipinaalala sa kanila ni Josue ang mga himala at pangako ng Panginoon. Hiniling niya sa mga Israelita na piliin nilang maglingkod sa Panginoon.

Josue 10:42; 11:23; 21:43–45; 24:15