Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Ana


“Si Ana,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Si Ana,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

1 Samuel 1–2

Si Ana

Ang tugon ng Panginoon sa isang matapat na babae

umiiyak si Ana habang nananalangin sa templo

Taun-taon, si Ana at ang kanyang asawa ay naglalakbay papunta sa bahay ng Panginoon, ang templo. Walang anak si Ana, kaya napakalungkot niya. Nag-ayuno at nanalangin siya para sa isang anak na lalaki. Nangako si Ana sa Panginoon na kung siya ay magkakaroon ng anak na lalaki, palalakihin niya ito upang maglingkod sa Kanya.

1 Samuel 1:1–11

nakikipag-usap si Eli kay Ana

Nakita ng isang saserdoteng nagngangalang Eli na umiiyak si Ana. Sinabi niya rito na sasagutin ng Panginoon ang panalangin nito. Nagtiwala si Ana sa Panginoon at nagkaroon ng pag-asa.

1 Samuel 1:12, 17–18

si Ana kasama ang kanyang asawa at anak na si Samuel

Noong taong iyon, nagsilang si Ana ng isang anak na lalaki. Pinangalanan niya itong Samuel.

1 Samuel 1:20–23

dinala ni Ana si Samuel kay Eli sa templo

Tinupad ni Ana ang kanyang pangako sa Panginoon. Noong nasa hustong gulang na si Samuel, dinala niya ito upang maglingkod sa bahay ng Panginoon. Naglingkod si Samuel kasama ni Eli, ang saserdote. Patuloy na binisita ni Ana si Samuel. Dinalhan niya ito ng mga kasuotan na ginawa niya para rito. Biniyayaan ng Panginoon si Ana ng lima pang anak.

1 Samuel 1:24–28; 2:21