“Ang Propetang si Enoc,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Propetang si Enoc,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Genesis 5; Moises 6–7
Ang Propetang si Enoc
Kung paano nailigtas ng pananampalataya sa Panginoon ang isang lungsod
Hiniling ng Panginoong Jesucristo kay Enoc na sabihin sa mga tao na magsisi. Ngunit inakala ni Enoc na hindi siya maayos magsalita. Natakot siya na hindi makikinig ang mga tao sa kanya.
Nangako ang Panginoon na palalakasin at poprotektahan si Enoc kahit hindi gusto ng ilang tao ang itinuro ni Enoc.
Ang pangako ng Panginoon ay nagbigay ng lakas ng loob kay Enoc. Sinunod ni Enoc ang Panginoon at tinuruan ang mga tao nang may kapangyarihan. Nagturo siya tungkol kay Jesucristo, sa pagsisisi, binyag, at sa Espiritu Santo. Ilang tao ang naniwala kay Enoc at nagnais na sundin ang Panginoon.
Si Enoc ay may awtoridad na magbinyag mula sa Diyos. Lahat ng taong naniwala kay Enoc ay nabinyagan at napalapit sa Panginoon. Walang taong mahirap dahil inalagaan nila ang bawat isa. Tinawag silang Sion dahil namuhay sila nang may pagmamahal at kabutihan.
Isang araw ay ipinakita ng Panginoon kay Enoc ang isang pangitain tungkol sa lahat ng mangyayari sa mundo. Nakita ni Enoc ang buhay, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Nalaman ni Enoc na sa mga huling araw ay ipanunumbalik ang ebanghelyo. Nakita rin niya ang Ikalawang Pagparito ni Jesus.
Sa huli, ang lahat ng tao sa lungsod ng Sion ay naniwala kay Enoc at nagsisi. Dahil inalagaan nila ang isa’t isa at namuhay nang payapa, dinala sila ng Panginoon upang mamuhay sa Kanyang piling.