Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Isaias


“Ang Propetang si Isaias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Propetang si Isaias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Isaias 6–79; 53–54

Ang Propetang si Isaias

Mga propesiya tungkol sa Panginoong Jesucristo

tinawag ng Panginoon si Isaias

Maraming beses nang nasakop ang mga Israelita at nais nilang protektahan sila ng Panginoon. Isang araw sa templo, tinawag ng Panginoon ang isang lalaki na nagngangalang Isaias upang turuan ang mga tao tungkol sa pagparito ni Jesucristo. Minahal ni Isaias ang mga tao at itinuro niya sa kanila kung paano sila maililigtas ni Cristo.

Isaias 6:1–8

nagpopropesiya si Isaias tungkol sa pagsilang ni Jesus

Nalaman ni Isaias na balang-araw ay darating si Jesucristo upang iligtas ang Kanyang mga tao mula sa kasalanan. Ngunit hindi Siya kikilalanin ng lahat bilang kanilang Tagapagligtas. Masyadong nalungkot si Isaias dahil alam niya na maraming tao ang hindi maniniwala kay Jesucristo.

Isaias 6:9–13; 7:14; 53:1–9

nagsusulat si Isaias tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Cristo

Nagpropesiya rin si Isaias tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Si Jesucristo ay babalik at magiging Hari ng buong mundo. Siya ay muling paparito at tutuparin Niya ang plano ng Kanyang Ama sa pamamagitan ng paghahatid ng kabaitan at kapayapaan magpakailanman. Sinabi ni Isaias na malalaman ng lahat na si Jesucristo ang kanilang Tagapagligtas.

Isaias 9:6–7; 54:1–10