“Ang Propetang si Malakias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Propetang si Malakias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Ang Propetang si Malakias
Pagsasabuhay ng batas ng ikapu
Nagbabayad ng ikapu ang mga Judio sa pamamagitan ng pagbibigay sa Panginoon ng ikasampung bahagi ng kanilang mga pananim at hayop. Pinagpapala sila ng Panginoon kapag nagbabayad sila ng ikapu. Ngunit ang ilang Judio ay nagsimulang magbigay ng sirang tinapay o mga bulag o maysakit na hayop bilang kanilang ikapu. Itinabi nila ang pinakamaganda para sa kanilang sarili.
Genesis 14:20; 28:22; Deuteronomio 12:6, 11, 17; Malakias 1:7–8, 12–13
Hindi natuwa ang Panginoon. Sinabi ni Malakias, isang propeta, sa mga Judio na ninanakawan nila ang Panginoon kapag hindi sila tapat sa pagbabayad ng ikapu. Sinabihan sila ni Malakias na magsisi.
Nangako ang Panginoon sa mga Judio. Kung magbibigay sila ng tapat na ikapu, ibubuhos ng Panginoon ang mga dakilang pagpapala mula sa langit.