Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Job


“Si Job,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2021)

“Si Job,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Job 1–3; 19; 38–42

Si Job

Pagtitiwala sa pagmamahal ng Panginoon

kumakain ng hapunan si Job at ang kanyang pamilya

Si Job ay isang mabuting tao na nagmamahal sa Panginoon at sumusunod sa Kanyang mga utos. Siya at ang kanyang asawa ay may 10 anak, at mayroon siyang maraming kawan ng hayop at maraming kayamanan.

Job 1:1–5

nakatingin si Job sa bagyo

Tinulutan ng Panginoon na masubukan ang pananampalataya ni Job. Nakaranas si Job ng mahihirap na bagay.

Job 1:6–12

nasusunog ang bahay ni Job

Isang araw, marami sa mga hayop ni Job ang ninakaw. Kalaunan ay tinupok ng sunog ang lahat ng ari-arian ni Job at namatay dito ang lahat ng kanyang mga lingkod at iba pang mga hayop. Pagkatapos ay giniba ng isang bagyo ang bahay ng anak na lalaki ni Job. Nasa loob noon ang mga anak ni Job, at lahat sila ay namatay. Walang natira kay Job at sa kanyang asawa kundi ang kanilang kalusugan.

Job 1:13–19

nananalangin si Job at ang kanyang asawa

Malungkot si Job at ang kanyang asawa. Nawala sa kanila ang lahat, pati na ang kanilang mga anak. Ngunit may pananampalataya pa rin si Job sa Panginoon. Hindi niya sinisi ang Panginoon sa mga nangyari.

Job 1:20–22

pinapakain ng kanyang asawa ang maysakit na si Job

Pagkatapos ay nagkasakit si Job nang malubha. Binalot ng masasakit na pigsa ang kanyang katawan. Nagtaka si Job at ang kanyang asawa kung bakit nangyayari ang lahat ng masasamang bagay na ito.

Job 2:7–9; 3:1–11

ipinapakita ni Jesus kay Job ang sansinukob

Nagsalita ang Panginoon kay Job at ipinakita Niya rito ang mundo, ang mga bituin, at ang lahat ng mga bagay na nabubuhay. Tinuruan ng Panginoon si Job ng isang mahalagang aral. Ang lahat ng bagay ay nilikha upang tulungan ang mga anak ng Ama sa Langit na malaman ang tungkol sa Kanyang Anak na si Jesucristo at sumunod sa Kanya.

Job 38–41

si Job at ang kanyang pamilya

Nagsisi si Job at hiniling niya sa Panginoon na patawarin siya sa kanyang pag-aalinlangan. Nangako siyang magtitiwala sa Panginoon. Alam ng Panginoon na minahal Siya ni Job. Pinagaling Niya si Job at biniyayaan Niya ito ng mas maraming anak at dalawang beses ng dami ng kayamanan na mayroon siya noon.

Job 19:25–2642