“Ang Propetang si Eliseo,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Propetang si Eliseo,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
2 Mga Hari 2; 4
Ang Propetang si Eliseo
Mga Himala ng Panginoon
Sa pamamagitan ng propetang si Elias, inihanda ng Panginoon si Eliseo na maging susunod na propeta. Pagkatapos ay dinala ng Panginoon si Elias sa Langit.
Tinulungan ng Panginoon si Eliseo na magsagawa ng maraming himala. Minsan ay binasbasan ni Eliseo ang langis ng isang maralitang babae para mapuno ang maraming garapon. Pagkatapos ay ipinagbili ng babae ang langis upang mabayaran ang kanyang mga utang.
Sa isa pang pagkakataon, isang matapat na babae ang naglingkod kay Eliseo at napakabait nito sa kanya. Tinanong siya ni Eliseo kung ano ang magagawa niya para makapaglingkod dito. Umasa itong magkaroon ng anak. Binasbasan ni Eliseo ang babae at ang kanyang asawa na magkaroon ng anak na lalaki.
Ngunit pagkaraan ng ilang taon, nagkasakit at namatay ang anak na lalaki. Hinanap ng babae si Eliseo dahil nananampalataya siya na maililigtas nito ang kanyang anak. Dumating si Eliseo at binasbasan ang bata, at muli itong nabuhay. Tinulungan ng Panginoon si Eliseo na magsagawa ng maraming himala. Isa siyang dakilang propeta ng Panginoon.