“Sina Abraham at Isaac,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Sina Abraham at Isaac,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Genesis 17; 21–22
Sina Abraham at Isaac
Isang ama, isang anak na lalaki, at isang sakripisyo
Sina Abraham at Sara ay nagkaroon ng anak na lalaki, tulad ng ipinangako ng Panginoon. Pinangalanan nila itong Isaac.
Mahal nila si Isaac. Tinuruan nila ito na piliin ang tama at magtiwala sa Panginoon.
Nangako ang Panginoon kina Abraham at Sara na sa pamamagitan ni Isaac ang kanilang pamilya ay lalago upang pagpalain ang buong mundo. Ngunit isang araw ay sinabi ng Panginoon kay Abraham na dalhin si Isaac sa Bundok Moria at ialay si Isaac.
Sa kanilang pag-akyat sa bundok, itinanong ni Isaac kung nasaan ang korderong isasakripisyo. Sinabi ni Abraham na magkakaloob ang Panginoon.
Sa Bundok Moria, nagtayo si Abraham ng dambana at naglagay ng kahoy sa ibabaw nito.
Alinsunod sa utos ng Panginoon, hiniling ni Abraham kay Isaac na humiga sa dambana. Nagtiwala si Isaac kay Abraham tulad ng pagtitiwala ng Tagapagligtas na si Jesucristo sa Kanyang Ama.
Nang iaalay na ni Abraham si Isaac, pinigilan siya ng isang anghel ng Panginoon. Nagpakita si Abraham ng pananampalataya sa Panginoon. Alam ni Abraham na palagi niyang susundin ang Panginoon.
Tumingala si Abraham at nakita ang isang tupang napasabit sa palumpong. Ipinagkaloob ng Panginoon ang tupa para maging sakripisyo.
Natutuhan nina Abraham at Isaac kung paano iaalay ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo bilang sakripisyo. Nagtiwala ang Panginoong Jesucristo kay Abraham dahil sumunod ito. Nagtiwala si Abraham sa pangako ng Panginoon na balang araw ay lalago ang kanyang pamilya nang higit pa sa dami ng mga bituin sa langit.