“Si Eliseo at ang Hukbo ng Panginoon,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Eliseo at ang Hukbo ng Panginoon,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Si Eliseo at ang Hukbo ng Panginoon
Ang mga karwahe ng apoy ng Panginoon
Hindi gusto ng mga taga-Siria ang mga Israelita. Isinugo ng hari ng Siria ang kanyang hukbo upang dakpin si Eliseo. Kinagabihan, pinaligiran ng hukbo ang lungsod kung saan naroon si Eliseo.
Nagising ang binatilyong tagapaglingkod ni Eliseo at nakita niya ang hukbo ng Siria. Tinanong niya si Eliseo kung ano ang dapat nilang gawin. Sinabihan ni Eliseo ang binatilyo na huwag matakot. Sinabi niya na ang hukbong nakikipaglaban para sa kanila ay mas malaki kaysa sa hukbong kalaban nila.
Hiniling ni Eliseo sa Panginoon na ipakita Niya sa binatilyo kung ano ang nakita ni Eliseo. Ipinakita ng Panginoon sa binatilyo ang isang hukbo ng langit na may mga kabayo at karwahe ng apoy upang protektahan sila. Ang hukbo ng Siria ay nabulag ng kapangyarihan ng Diyos. Hindi na sila nakipaglaban sa mga Israelita.