Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Elias at ang mga Propeta ni Baal


“Si Elias at ang mga Propeta ni Baal,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Si Elias at ang mga Propeta ni Baal,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

1 Mga Hari 18

Si Elias at ang mga Propeta ni Baal

Ang propeta ng Panginoon laban sa mga huwad na propeta

maliit na estatwa ni Baal

Ang kaharian ng Israel ay patuloy na nagdurusa mula sa kawalan ng tubig. Sinabi ni Haring Ahab sa mga tao na sumampalataya sa isang huwad na diyos na nagngangalang Baal.

1 Mga Hari 18:1–2, 17–18

nakikipag-usap si Elias kay Ahab

Isinugo ng Panginoon si Elias upang makipagkita kay Ahab. Inanyayahan ni Elias ang lahat ng tao na tumungo sa tuktok ng isang bundok. Hinamon niya ang hari at ang kanyang mga propeta na makita kung sino sa Panginoon o kay Baal ang tunay na Diyos.

1 Mga Hari 18:19–21

nakikipag-usap si Elias sa mga propeta ni Baal

Ipinaliwanag ni Elias ang hamon. Siya at ang mga propeta ay mag-aalay ng isang baka sa dambana, ngunit hindi mismo sila ang magsisindi ng apoy. Sa halip, ang mga propeta ay mananalangin kay Baal upang sindihan ang apoy. At si Elias ay magdarasal sa Panginoon para sindihan ang apoy. Alam ni Elias na tanging ang tunay na Diyos ang magsisindi ng apoy.

1 Mga Hari 18:22–25

nakikipag-usap si Elias sa isang grupo ng mga tao

Nanalangin ang mga propeta ni Baal sa kanilang diyos mula umaga hanggang tanghali, ngunit walang nangyari. Nakipagbiruan si Elias sa kanila at sinabi na maaring tulog ang kanilang diyos na si Baal.

1 Mga Hari 18:26–27

ang mga propeta ni Baal na nananalangin sa dambana

Nagalit ang mga propeta, lumukso sa dambana, at sumigaw sa gabi. Umasa silang tutugon ang kanilang diyos, ngunit wala pa ring apoy.

1 Mga Hari 18:28–29

nakaluhod si Elias

Pagkatapos ay pagkakataon naman ni Elias. Nagtayo siya ng dambana para sa Panginoon, humukay ng kanal sa paligid ng dambana, at inihanda ang sakripisyo.

1 Mga Hari 18:30–32

si Elias at ang mga taong nagtatayo ng dambana

Hiniling ni Elias sa mga tao na punuin ng apat na bariles ng tubig at ibuhos ang mga ito sa kahoy na nasa kanyang dambana nang tatlong beses. Nababad sa tubig ang kahoy at ang dambana. Napuno nito ang buong kanal.

1 Mga Hari 18:33–37

nananalangin si Elias sa tabi ng dambana

Nanalangin si Elias sa Panginoon na ipakita ang tunay na kapangyarihan ng Diyos. Ang apoy ng Panginoon ay bumagsak at tinupok ang alay, kahoy, mga bato, at tubig. Alam ng mga tao na ang Diyos ni Elias ang tunay na Diyos. Ipinagdasal ni Elias na matapos na ang tagtuyot, at nagpadala ang Panginoon ng ulan.

1 Mga Hari 18:38–41