“Si Nehemias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Nehemias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Nehemias 1–2; 4; 6
Si Nehemias
Muling pagtatayo ng pader sa Jerusalem
Si Nehemias ay isang Judio na nakatira sa Persia. Siya ang pinagkakatiwalaang tagapaglingkod ng hari. Isang araw, narinig ni Nehemias na nagdurusa ang mga Judio sa Jerusalem. Ang mga pader na nagpoprotekta sa Jerusalem ay nawasak at hindi na muling itinayo. Nasa panganib ang Jerusalem. Nag-ayuno at nanalangin si Nehemias upang humingi ng tulong sa Panginoon.
Tinanong ng hari si Nehemias kung bakit tila nakapalungkot niya. Sinabi niya sa hari ang tungkol sa panganib sa Jerusalem. Sinabi ng hari na maaari siyang makatulong. Nagpaalam si Nehemias na pumunta sa Jerusalem at muling itayo ang pader. Ginawang pinuno ng hari si Nehemias at ibinigay nito sa kanya ang mga kagamitan na kailangan niya.
Sinimulan ni Nehemias at ng mga Judio na muling itayo ang mga pader ng Jerusalem. Ngunit sila ay pinagtawanan at sinubukang pigilan ng kanilang mga kaaway.
Sinubukan ng mga kaaway na linlangin si Nehemias upang lisanin niya ang lungsod. Subalit hindi umalis si Nehemias. Nagtiwala siya sa Panginoon. Gumagawa siya ng dakilang gawain.
Sinabihan ni Nehemias ang kanyang mga tao na huwag matakot. Naglagay sila ng mga bantay sa pader upang mapanatili itong ligtas. Patuloy na itinayo ng mga Judio ang pader. Binigyan ng Panginoon ng lakas ang mga Judio, at natapos nila ang pader sa loob ng 52 araw. Ang Jerusalem ay ligtas na muli.