Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Tungkol sa Lumang Tipan


“Tungkol sa Lumang Tipan,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Tungkol sa Lumang Tipan,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Tungkol sa Lumang Tipan

Ang mga pangako ng Ama sa Langit sa Kanyang mga anak noon pa man

paglalarawan ng buhay bago isilang sa mundo

Ang unang bahagi ng Banal na Biblia ay ang Lumang Tipan. Ang mga banal na kasulatang ito ay isinulat noong unang panahon, bago pa man isilang si Jesucristo. May mga kuwento ito na tumutulong sa atin na manampalataya sa Kanya. Itinuturo nito sa atin na ang bawat tao sa lupa ay bahagi ng pamilya ng Ama sa Langit at mahal Niya ang Kanyang mga anak.

Deuteronomio 7:7–9; Isaias 45:10–12

sina Adan at Eva sa Halamanan

Sa Lumang Tipan, si Jesucristo ay tinatawag na Jehova at Panginoon. Sinusunod Niya ang mga tagubilin ng Ama sa Langit. Simula noong panahon nina Adan at Eva, isinusugo ng Ama sa Langit ang Panginoong Jesucristo upang mangusap sa Kanyang mga propeta. Isinusugo ng Ama sa Langit ang Espiritu Santo upang tulungan tayong malaman na totoo ang mga salita ng propeta.

Exodo 6:2–3; 2 Cronica 20:20; Amos 3:7; 2 Pedro 1:21; Moises 2:1

ang mga inapo ni Adan

Nangako ang Panginoon sa propetang si Abraham at sa kanyang asawang si Sara na ang kanilang pamilya ay lalago at pagpapalain ang buong mundo. Ang kanilang apong si Jacob ay nagkaroon ng malaking pamilya na naging isang bansa. Sila ay tinawag na sambahayan ni Israel, o mga Israelita. Itinuro sa kanila ng mga propeta na abangan kung kailan paparito si Jesucristo.

Genesis 15:5–6; 17:1–8; Deuteronomio 18:15; Isaias 7:14

nakatingin ang mga tao sa bahaghari

Maraming kuwento sa Lumang Tipan ang nagpapakita kung paano tinupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa mga Israelita.

Genesis 9:13–17; Jeremias 11:4–5; Mga Hebreo 11:1–35

ipinapakita ni Moises ang tungkod sa mga tao

Nang ang mga Israelita ay nakinig sa mga propeta at sinunod ang mga kautusan, tinulungan sila ng Panginoon. Nang sumuway sila, hindi Niya sila matulungan.

Deuteronomio 11:26–28; Job 36:11–12

nagbabasa ang mga bata ng mga banal na kasulatan

Bahagi ka ng pamilya ng Ama sa Langit. Mabait ang Ama sa Langit, at mahal ka Niya. May plano Siya para sa iyo. Dahil sa Panginoong Jesucristo, maaari kang makabalik sa piling ng Ama sa Langit. Tulad ng itinuro sa mga Israelita, maaari mong piliing manampalataya sa Panginoon at sundin ang Kanyang mga kautusan.

Exodo 15:2; Deuteronomio 4:31; 5:10; Moises 1:39