Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Samuel


“Ang Propetang si Samuel,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Propetang si Samuel,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

1 Samuel 2–3

Ang Propetang si Samuel

Isang batang lalaking tinawag ng Panginoon

nakikipag-usap si Eli sa mga lalaki

Sa loob ng mahabang panahon, ang mga Israelita ay walang propeta ng Panginoon na namumuno sa kanila. Sa halip, namuno ang mga hukom sa Israel sa maraming taon. Sa panahong ito, dinala ni Ana ang kanyang anak na si Samuel para manirahang kasama ni Eli, ang pari at hukom ng Israel. Tinulungan ni Samuel si Eli sa templo.

1 Samuel 2:11, 18, 26; 3:1

nagnanakaw ang mga anak na lalaki ni Eli

Ang dalawang anak na lalaki ni Eli ay naglingkod din sa templo, ngunit ninakaw nila ang mga handog na para sa Panginoon. Nagreklamo ang ilang tao kay Eli, ngunit hindi pinarusahan ni Eli ang mga ito.

1 Samuel 2:12–17, 22–23

Samuel

Isang gabi ay narinig ni Samuel na tinatawag siya ng isang tinig. Inakala niya na si Eli iyon, kaya lumapit si Samuel sa kanya. Ngunit hindi siya tinawag ni Eli. Sinabi ni Eli kay Samuel na bumalik sa higaan.

1 Samuel 3:3–5

nakikipag-usap si Samuel kay Eli

Narinig ni Samuel ang tinig na tumatawag sa kanya sa ikalawang pagkakataon. Nagpunta siya kay Eli at itinanong kung ano ang nais nito. Ngunit hindi siya tinawag ni Eli. Sinabi ni Eli kay Samuel na matulog na.

1 Samuel 3:6

nakikipag-usap si Eli kay Samuel

Narinig ni Samuel ang tinig na tumatawag sa kanya sa ikatlong pagkakataon. Muli siyang nagpunta kay Eli at nagtanong kung ano ang nais niya. Sa pagkakataong ito, alam ni Eli na ang Panginoon ang nangungusap kay Samuel. Sinabi ni Eli kay Samuel na bumalik sa kama. Sinabi ni Eli na kung muling tatawag ang Panginoon, dapat na makinig si Samuel.

1 Samuel 3:8–9

nakikipag-usap si Samuel sa Diyos

Muling narinig ni Samuel na tinatawag siya ng tinig. Sa pagkakataong ito ay hiniling ni Samuel sa Panginoon na magsalita at sinabing makikinig siya. Sinabi ng Panginoon kay Samuel na mali si Eli na hayaan ang kanyang mga masasamang anak na lalaki na maglingkod sa templo. Hindi na pahihintulutan ang pamilya ni Eli na maglingkod doon.

1 Samuel 3:10–14

nag-uusap sina Samuel at Eli

Kinabukasan, tinanong ni Eli si Samuel kung ano ang sinabi ng Panginoon. Sinabi ito ni Samuel sa kanya. Alam ni Eli na nangusap ang Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.

1 Samuel 3:15–18

nakatingin si Samuel sa mga tao

Kumalat ang balita sa buong lupain ng Israel. Alam ng mga tao na pinili ng Panginoon si Samuel na maging Kanyang propeta.

1 Samuel 3:19–20