Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Moises


“Ang Propetang si Moises,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Propetang si Moises,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Exodo 2–3

Ang Propetang si Moises

Hinirang na magpalaya sa mga tao ng Panginoon

Larawan
isang Ehipcio na binubugbog ang isang Israelita

Si Moises ay lumaki bilang anak ng anak na babae ni Faraon. Nakita ni Moises na masama ang mga taga-Ehipto sa mga Israelita. Nalungkot siya dahil ginawang mga alipin ng mga Ehipcio ang mga Israelita.

Exodo 2:10–11

Larawan
ipinagtatanggol ni Moises ang isang Israelita

Isang araw ay nakita ni Moises ang isang Ehipcio na sinasaktan ang isang Israelita. Upang ipagtanggol ang Israelita, pinatay ni Moises ang Ehipcio.

Exodo 2:11–14

Larawan
si Moises na nasa ilang

Nang mabalitaan ito ng Faraon, ninais niyang patayin si Moises, subalit tumakas si Moises mula sa Ehipto.

Exodo 2:15

Larawan
si Moises at pamilya nito

Dumating si Moises sa isang lugar na tinatawag na Midian, kung saan nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang Zifora. Nagpakasal sila at nagkaroon ng mga anak.

Exodo 2:21–22

Larawan
nakatingin si Moises sa nagliliyab na palumpong

Habang naninirahan sa Midian, nakakita si Moises ng palumpong na nasusunog, ngunit hindi tinupok ng apoy ang palumpong. Nagpakita ang Panginoon sa isang ningas ng apoy at nagsalita kay Moises.

Exodo 3:1–6

Larawan
si Jesus na nakikipag-usap kay Moises

Sinabi ng Panginoon na alam Niya na ang mga Israelita ay nagdurusa sa Ehipto. Inutusan niya si Moises na bumalik sa Ehipto at sabihin kay Faraon na palayain ang mga Israelita. Sinabi ng Panginoon na tutulungan niya si Moises upang palayain ang mga Israelita at akayin sila patungo sa isang lupang pangako.

Exodo 3:7–18

Print