“Pinagaling ni Eliseo si Naaman,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Pinagaling ni Eliseo si Naaman,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Pinagaling ni Eliseo si Naaman
Kung paanong ang simpleng pananampalataya ay nagdulot ng napakalaking himala
Sa malayong lugar sa Siria, nakatira ang isang lalaki na nagngangalang Naaman. Siya ay isang dakilang kapitan sa hukbo ng Siria. Ngunit si Naaman ay may napakasakit na karamdaman sa balat na tinatawag na ketong.
Ang tagapaglingkod ng asawa ni Naaman ay isang dalagitang Israelita. Nanampalataya ang dalagita sa Panginoon. Sinabi niya na kung mabibisita ni Naaman ang propetang si Eliseo, gagaling si Naaman mula sa kanyang karamdaman.
Naglakbay nang malayo si Naaman upang hanapin si Eliseo. Inakala ni Naaman na gagaling siya sa pamamagitan ng isang napakalaking himala.
Dumating si Naaman sa bahay ni Eliseo kasama ang kanyang mga tagapaglingkod, kabayo, at karwahe. Isinugo ni Eliseo ang kanyang tagapaglingkod upang ibigay kay Naaman ang mga tagubilin ng Panginoon. Pagagalingin ng Panginoon si Naaman kung huhugasan niya ang kanyang sarili sa Ilog Jordan nang pitong beses.
Nagalit si Naaman dahil nais niyang lumabas ang propeta ng Panginoon at pagalingin siya kaagad. Nagreklamo si Naaman na ang Ilog Jordan ay hindi kasingganda ng malalaking ilog sa Siria.
Ngunit itinanong ng mga tagapaglingkod ni Naaman kung bakit ayaw gawin ni Naaman ang gayon kasimpleng gawain. Kahit na tila wala itong katuturan para kay Naaman, iniutos sa kanya ng propeta ng Panginoon na gawin ito.
Tumigil si Naaman sa pagiging palalo at nakinig sa kanyang mga tagapaglingkod. Hinugasan niya ang kanyang sarili sa Ilog Jordan nang pitong beses. Pagkatapos ay pinagaling ng Panginoon si Naaman, tulad ng sinabi ni Eliseo. Nalaman ni Naaman na si Eliseo ay isang propeta at ang Panginoon ay totoo.