“Si Rahab at ang mga Espiya,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Si Rahab at ang mga Espiya,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Si Rahab at ang mga Espiya
Isang pagpiling nagligtas sa isang pamilya
Isang babaeng nagngangalang Rahab ang nakatira sa Jerico bago ito sinakop ng mga Israelita. Narinig niya na hinawi ng Panginoon ang Dagat na Pula para sa mga Israelita. Alam ni Rahab na tutulungan ng Panginoon ang mga Israelita na labanan ang kanyang lungsod. Ang mga tao sa Jerico ay masasama.
Pinamunuan ng propetang si Josue ang hukbo ng Israel. Nagsugo siya ng dalawang espiya sa Jerico. Ngunit nakita ang mga espiya, at nagsugo ng mga bantay ang hari ng Jerico upang dakpin sila.
Dumating ang mga espiya sa bahay ni Rahab. Pumayag si Rahab na tulungan ang mga espiya, kaya itinago niya ang mga ito sa kanyang bubong.
Siniyasat ng mga tauhan ng hari ang bahay ni Rahab ngunit hindi nila nakita ang mga espiya. Pagkaalis nila, hiniling ni Rahab sa mga espiya na protektahan nila ang kanyang pamilya kapag dumating ang kanilang hukbo upang makipaglaban sa Jerico. Nangako ang mga espiya kay Rahab na magiging ligtas ang kanyang pamilya. Pagkatapos, si Rahab ay naghagis ng lubid sa kanyang bintana upang magamit ng mga espiya sa kanilang pagtakas.
Bumalik ang mga espiya sa propetang si Josue at sinabihan nila ang hukbo ng Israel na huwag saktan ang sinuman sa bahay ni Rahab. Kalaunan, nang makipaglaban ang mga Israelita sa Jerico, tinupad nila ang kanilang pangako kay Rahab. Ang katapangan ni Rahab ang nagligtas sa kanyang pamilya. Sumama ang kanyang pamilya sa mga tao ng Panginoon.