“Ang Propetang si Jeremias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)
“Ang Propetang si Jeremias,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan
Ang Propetang si Jeremias
Tinawag bago ang kanyang pagsilang
Nanirahan si Jeremias sa Jerusalem noong bata pa siya. Isang araw, nagpakita ang Panginoon kay Jeremias at tinawag siya na maging propeta. Sinabi ng Panginoon kay Jeremias na pinili siya na maging propeta bago pa siya isinilang. Alam ng Panginoon na magiging mahirap ang buhay ni Jeremias. Ngunit nangako Siya kay Jeremias na palagi Siyang makakasama nito.
Hindi tinupad ng mga tao sa Jerusalem ang kanilang mga pangako sa Panginoon. Dahil sa kanilang kasamaan, nagbabala si Jeremias sa mga tao na sila ay sasakupin. Sinabi ng Panginoon na kung pananatilihin nilang banal ang araw ng Sabbath, ang lungsod ng Jerusalem ay hindi malilipol. Ngunit hindi nakinig ang mga tao.
Jeremias 6:1–19; 8–9; 17:21–27
Tinuruan ni Jeremias ang mga tao sa loob ng maraming taon. Ngunit hindi sila nagsisi. Sa halip, sinaktan at ibinilanggo nila si Jeremias.
Jeremias 20:2; 26:8–9; 37:15–18; 38:6
Minahal ni Jeremias ang mga tao. Nanangis siya dahil sa kanilang mga kasalanan. Tulad ng sinabi niya, nalipol ang Jerusalem, at nabihag ang mga tao.
Jeremias 9:1–8; 25:9–12; 52:1–10
Dinala si Jeremias sa Egipto. Sinabihan siya ng Panginoon na isulat ang kanyang mga propesiya. Sinunod ni Jeremias ang Panginoon kahit noong panahon na mahirap ang mga bagay-bagay. Patuloy niyang sinabihan ang kanyang mga tao na tuparin ang kanilang mga pangako sa Panginoon.