Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sina Adan at Eva


“Sina Adan at Eva,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Sina Adan at Eva,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Genesis 2–3; Moises 3–5; Abraham 5

Sina Adan at Eva

Pagkakaroon ng karanasan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pasya

sina Adan at Eva kasama ang mga hayop

Sina Adan at Eva ang una sa mga anak ng Ama sa Langit na nabuhay sa lupa. Tumira sila sa magandang Halamanan ng Eden na napapaligiran ng lahat ng uri ng halaman at puno. Dinadalaw at kinakausap sila ng ating Diyos Ama sa Langit at ng Panginoong Jesucristo.

Genesis 2:8–9; 3:8; Moises 3:8­–9; Abraham 5:8, 14–19

punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama

Hinayaan sila ng Diyos na kumain ng bunga ng bawat puno maliban sa isa. Kung kakainin nila ang bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, kailangan nilang lisanin ang halamanan at mamamatay kalaunan. Nagsinungaling si Satanas kina Adan at Eva. Sinabi ni Satanas na kung kakainin nila ang bunga, malalaman nila ang mabuti at masama subalit hindi sila mamamatay.

Genesis 2:16–17; 3:1–5; Moises 3:9; 4:6–11; Abraham 5:9, 12–13

pumipitas ng bunga si Eva

Pinili nina Eva na kainin ang bunga.

Genesis 3:5–6; Moises 4:12

mga kamay na may hawak na bunga

Ibinigay ni Eva kay Adan ang bahagi ng bunga. Pinili rin niyang kainin ito.

Genesis 3:6–7; Moises 4:12

sina Adan at Eva na nagtatago mula sa Diyos at kay Jesucristo

Dinalaw sila ng Diyos at ng Panginoon, subalit natakot sina Adan at Eva at nagtago. Tinanong sila ng Diyos kung kinain nila ang bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.

Genesis 3:8–13; Moises 4:13–14

sina Adan at Eva na nililisan ang Halamanan ng Eden

Sinabi nina Adan at Eva sa Diyos na pinili nilang kainin ang bunga. Dahil sa kanilang pagpili, kinailangang lisanin nina Adan at Eva ang Halamanan ng Eden. Nawalay sila sa Diyos, ngunit may plano Siya para sa kanila. Ngayon ay alam na nila ang tama sa mali at sila ay maaari nang magkaroon ng mga anak.

Genesis 3:16–24; Moises 4:15–31

ang pamilya nina Adan at Eva na nakatingin sa apoy

Nangako sina Adan at Eva na susundin ang lahat ng utos ng Diyos. Tinuruan silang mag-alay ng mga hayop. Sa kanilang pagsunod, marami pa silang natutuhan tungkol sa Anak ng Diyos na si Jesucristo. Kapwa sila nakadama ng malaking kagalakan dahil tutulungan Niya ang kanilang pamilya na makabalik sa Diyos.

Genesis 3:23; Moises 5:1–12